Publicidade

Salmos 85

1 Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain: iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob. 2 Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan, iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah) 3 Iyong pinawi ang buong poot mo: iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit. 4 Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, at papaglikatin mo ang iyong galit sa amin. 5 Magagalit ka ba sa amin magpakailan man? Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi? 6 Hindi mo ba kami bubuhayin uli: upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo? 7 Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, at ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas. 8 Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon: sapagka't siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga banal: nguni't huwag silang manumbalik uli sa kaululan. 9 Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya; upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain. 10 Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay naghalikan. 11 Katotohanan ay bumubukal sa lupa; at ang katuwiran ay tumungo mula sa langit. 12 Oo, ibibigay ng Panginoon ang mabuti; at ang ating lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga. 13 Katuwira'y mangunguna sa kaniya; at gagawing daan ang kaniyang mga bakas.

1 To the Chief Musician upon gittith. A Psalm for the Sons of Korah. LORD, you have been favorable unto your land: you have brought back the captivity of Jacob.2 You have forgiven the iniquity of your people, you have covered all their sin. Selah.3 You have taken away all your anger: you have turned yourself from the fierceness of your anger.4 Restore us, O God of our salvation, and cause your anger toward us to cease.5 Will you be angry with us forever? will you draw out your anger to all generations?6 Will you not revive us again: that your people may rejoice in you?7 Show us your mercy, O LORD, and grant us your salvation.8 I will hear what God the LORD will speak: for he will speak peace unto his people, and to his saints: but let them not turn again to folly.9 Surely his salvation is near those that fear him; that glory may dwell in our land.10 Mercy and truth are met together; righteousness and peace have kissed each other.11 Truth shall spring out of the earth; and righteousness shall look down from heaven.12 Yea, the LORD shall give that which is good; and our land shall yield its increase.13 Righteousness shall go before him; and shall set us in the way of his steps.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-