Publicidade

Salmos 81

1 Magsiawit kayo ng malakas sa Dios na ating kalakasan: mangagkaingay kayo na may kagalakan sa Dios ni Jacob, 2 Magsiawit kayo at dalhin ninyo rito ang pandereta, ang masayang alpa sangpu ng salterio. 3 Magsihihip kayo ng pakakak sa bagong buwan, sa kabilugan ng buwan, sa ating dakilang kapistahan. 4 Sapagka't pinakapalatuntunan sa Israel, ayos ng Dios ni Jacob. 5 Kaniyang inilagay na pinakapatotoo sa Jose, nang siya'y lumabas na maglakbay sa lupain ng Egipto: na aking kinaringgan ng wika na di ko nauunawa. 6 Aking inihiwalay ang kaniyang balikat sa pasan: ang mga kamay niya'y napabitiw sa luwelang. 7 Ikaw ay tumawag sa kabagabagan, at iniligtas kita; sinagot kita sa lihim na dako ng kulog; sinubok kita sa tubig ng Meriba. (Selah) 8 Dinggin mo, Oh bayan ko, at ako'y sasaksi sa iyo: Oh Israel, kung ikaw ay makikinig sa akin! 9 Hindi magkakaroon ng ibang dios sa iyo; at hindi ka man sasamba sa anomang ibang dios. 10 Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Egipto: bukhin mong maluwang ang iyong bibig, at aking pupunuin. 11 Nguni't hindi nakinig sa aking tinig ang bayan ko; at hindi ako sinunod ng Israel. 12 Sa gayo'y aking pinasunod sa pagmamatigas ng kanilang puso, upang sila'y makalakad sa kanilang sariling mga payo. 13 Oh kung ako'y didinggin ng aking bayan, kung ang Israel ay lalakad sa aking mga daan! 14 Aking pasusukuing madali ang kanilang mga kaaway, at ibabalik ko ang aking kamay laban sa kanilang mga kaaway. 15 Ang mga mapagtanim sa Panginoon ay magsisisuko sa kaniya: nguni't ang kanilang panahon ay mananatili kailan man, 16 Kaniya ring pakakanin sila ng katabaan ng trigo: at ng pulot na mula sa bato ay bubusugin kita.

1 To the Chief Musician upon gittith. A Psalm of Asaph. Sing aloud unto God our strength: make a joyful noise unto the God of Jacob.2 Take a psalm, and bring here the timbrel, the pleasant harp with the psaltery.3 Blow the trumpet in the new moon, in the time appointed, on our solemn feast day.4 For this was a statute for Israel, and a law of the God of Jacob.5 This he ordained in Joseph for a testimony, when he went out through the land of Egypt: where I heard a language that I understood not.6 I removed his shoulder from the burden: his hands were freed from the basket.7 You called in trouble, and I delivered you; I answered you in the secret place of thunder: I tested you at the waters of Meribah. Selah.8 Hear, O my people, and I will testify unto you: O Israel, if you will hearken unto me;9 There shall no strange god be among you; neither shall you worship any foreign god.10 I am the LORD your God, who brought you out of the land of Egypt: open your mouth wide, and I will fill it.11 But my people would not hearken to my voice; and Israel would have none of me.12 So I gave them up unto their own hearts' lust: and they walked in their own counsels.13 Oh that my people had hearkened unto me, and Israel had walked in my ways!14 I should soon have subdued their enemies, and turned my hand against their adversaries.15 The haters of the LORD should have submitted themselves unto him: and their fate should have endured forever.16 He should have fed them also with the finest of the wheat: and with honey out of the rock should I have satisfied you.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-