Publicidade

Salmos 80

1 Dinggin mo, Oh Pastor ng Israel, ikaw na pumapatnubay sa Jose na parang kawan; ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang ka. 2 Sa harap ng Ephraim, ng Benjamin at ng Manases, ay mapukaw nawa ang kapangyarihan mo, at parito kang iligtas mo kami. 3 Papanumbalikin mo kami, Oh Dios; at pasilangin mo ang iyong mukha, at maliligtas kami. 4 Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, hanggang kailan magagalit ka laban sa dalangin ng iyong bayan? 5 Iyong pinakain sila ng tinapay na mga luha, at binigyan mo sila ng mga luha upang inumin ng sagana. 6 Iyong ginawa kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa: at ang mga kaaway namin ay nagtatawanan. 7 Ibalik mo kami, Oh Dios ng mga hukbo; at pasilangin mo ang iyong mukha at kami ay maliligtas. 8 Ikaw ay nagdala ng isang puno ng ubas mula sa Egipto; iyong pinalayas ang mga bansa, at itinanim mo yaon. 9 Ikaw ay naghanda ng dako sa harap niya, at napailalim ang ugat, at pinuno ang lupain. 10 Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyaon, at ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng Dios. 11 Kaniyang pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat, at ang kaniyang mga suwi hanggang sa ilog. 12 Bakit mo ibinagsak ang kaniyang mga bakod, na anopa't siya'y binubunot nilang lahat na nangagdadaan? 13 Sinisira ng baboy-ramo, at sinasabsab ng mailap na hayop sa parang. 14 Bumalik ka uli, isinasamo ko sa iyo, Oh Dios ng mga hukbo: tumungo ka mula sa langit, at iyong masdan, at dalawin mo ang puno ng ubas na ito, 15 At ang ubasan na itinanim ng iyong kanan, at ang suwi na iyong pinalakas para sa iyong sarili. 16 Nasunog ng apoy, at naputol: sila'y nalipol sa saway ng iyong mukha. 17 Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan. Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili. 18 Sa gayo'y hindi kami magsisitalikod sa iyo: buhayin mo kami, at tatawagan namin ang iyong pangalan. 19 Papanumbalikin mo kami, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo; pasilangin mo ang iyong mukha at maliligtas kami.

1 To the Chief Musician upon shoshannim â€" Eduth. A Psalm of Asaph. Give ear, O Shepherd of Israel, you that lead Joseph like a flock; you that dwell between the cherubim, shine forth.2 Before Ephraim and Benjamin and Manasseh stir up your strength, and come and save us.3 Restore us, O God, and cause your face to shine; and we shall be saved.4 O LORD God of hosts, how long will you be angry against the prayer of your people?5 You feed them with the bread of tears; and give them tears to drink in great measure.6 You make us a strife unto our neighbors: and our enemies laugh among themselves.7 Restore us, O God of hosts, and cause your face to shine; and we shall be saved.8 You have brought a vine out of Egypt: you have cast out the nations, and planted it.9 You prepared room before it, and did cause it to take deep root, and it filled the land.10 The hills were covered with the shadow of it, and the boughs thereof were like the goodly cedars.11 It sent out its boughs unto the sea, and its branches unto the river.12 Why have you then broken down its hedges, so that all they who pass by the way do pluck its fruit?13 The boar out of the wood does waste it, and the wild beast of the field does devour it.14 Return, we beseech you, O God of hosts: look down from heaven, and behold, and visit this vine;15 And the vineyard which your right hand has planted, and the branch that you made strong for yourself.16 It is burned with fire, it is cut down: they perish at the rebuke of your countenance.17 Let your hand be upon the man of your right hand, upon the son of man whom you made strong for yourself.18 Then will we not go back from you: revive us, and we will call upon your name.19 Restore us, O LORD God of hosts, cause your face to shine; and we shall be saved.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-