Publicidade

Salmos 97

1 Ang Panginoon ay naghahari; magalak ang lupa; matuwa ang karamihan ng mga pulo. 2 Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya: katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan. 3 Apoy ay nagpapauna sa kaniya, at sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot. 4 Tumatanglaw ang mga kidlat niya sa sanglibutan: nakita ng lupa, at niyanig. 5 Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harap ng Panginoon, sa harapan ng Panginoon ng buong lupa. 6 Ipinahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran, at nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian. 7 Mangahiya silang lahat na nangaglilingkod sa mga larawan, nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan: kayo'y magsisamba sa kaniya kayong lahat na mga dios. 8 Narinig ng Sion, at natuwa, at ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak; dahil sa iyong mga kahatulan, Oh Panginoon. 9 Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay kataastaasan sa buong lupa: ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios. 10 Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, ipagtanim ninyo ang kasamaan. Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal; kaniyang iniligtas sila sa kamay ng masama. 11 Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal, at kasayahan ay sa may matuwid na puso. 12 Mangatuwa kayo sa Panginoon, kayong mga matuwid; at mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan.

1 The LORD reigns; let the earth rejoice; let the multitude of coastlands be glad.2 Clouds and darkness are round about him: righteousness and justice are the habitation of his throne.3 A fire goes before him, and burns up his enemies round about.4 His lightnings light up the world: the earth saw, and trembled.5 The hills melted like wax at the presence of the LORD, at the presence of the Lord of the whole earth.6 The heavens declare his righteousness, and all the people see his glory.7 Confounded be all they that serve graven images, that boast themselves of idols: worship him, all you gods.8 Zion heard, and was glad; and the daughters of Judah rejoiced because of your judgments, O LORD.9 For you, LORD, are high above all the earth: you are exalted far above all gods.10 You that love the LORD, hate evil: he preserves the souls of his saints; he delivers them out of the hand of the wicked.11 Light is sown for the righteous, and gladness for the upright in heart.12 Rejoice in the LORD, you righteous; and give thanks at the remembrance of his holiness.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-