1 Mangagbigay kayo sa Panginoon, Oh kayong mga anak ng makapangyarihan, mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan. 2 Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan: inyong sambahin ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan. 3 Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig: ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog, sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng maraming tubig. 4 Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan; ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan. 5 Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro; Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano. 6 Kaniya namang pinalulukso na gaya ng guya: ang Libano at Sirion na gaya ng mailap na guyang baka. 7 Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon. 8 Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang: niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades. 9 Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa, at hinuhubdan ang mga gubat: at sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: kaluwalhatian. 10 Ang Panginoon ay naupo sa baha na parang Hari; Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man. 11 Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan; pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.
1 A Psalm of David. Give unto the LORD, O you mighty, give unto the LORD glory and strength.2 Give unto the LORD the glory due unto his name; worship the LORD in the beauty of holiness.3 The voice of the LORD is upon the waters: the God of glory thunders: the LORD is upon many waters.4 The voice of the LORD is powerful; the voice of the LORD is full of majesty.5 The voice of the LORD breaks the cedars; yea, the LORD breaks the cedars of Lebanon.6 He makes them also to skip like a calf; Lebanon and Sirion like a young wild ox.7 The voice of the LORD divides the flames of fire.8 The voice of the LORD shakes the wilderness; the LORD shakes the wilderness of Kadesh.9 The voice of the LORD makes the hinds to calve, and strips bare the forests: and in his temple does every one speak of his glory.10 The LORD sits upon the flood; yea, the LORD sits as King forever.11 The LORD will give strength unto his people; the LORD will bless his people with peace.