1 Oh Panginoon, huwag mo akong sawayin sa iyong galit, ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob. 2 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagka't ako'y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagka't ang aking mga buto ay nagsisipangalog. 3 Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam: at ikaw, Oh Panginoon, hanggang kailan? 4 Bumalik ka, Oh Panginoon, palayain mo ang aking kaluluwa: iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob. 5 Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo; sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo? 6 Ako'y pagal ng aking pagdaing; gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha. 7 Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan; tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway. 8 Magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kasamaan: sapagka't narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis. 9 Narinig ng Panginoon ang aking pananaing; tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin. 10 Lahat ng kaaway ko'y mapapahiya, at mababagabag na mainam: sila'y magsisibalik, sila'y mangapapahiyang kagyat.
1 To the Chief Musician. With stringed instruments. According to sheminith. A Psalm of David. O LORD, rebuke me not in your anger, neither chasten me in your hot displeasure.2 Have mercy upon me, O LORD; for I am weak: O LORD, heal me; for my bones are troubled.3 My soul is also greatly troubled: but you, O LORD, how long?4 Return, O LORD, deliver my soul: oh save me for your mercies' sake.5 For in death there is no remembrance of you: in the grave who shall give you thanks?6 I am weary with my groaning; all the night make I my bed wet with tears; I water my couch with my tears.7 My eye is consumed because of grief; it grows old because of all my enemies.8 Depart from me, all you workers of iniquity; for the LORD has heard the voice of my weeping.9 The LORD has heard my supplication; the LORD will receive my prayer.10 Let all my enemies be ashamed and greatly troubled: let them return and be ashamed suddenly.