1 Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin, sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang banal na bundok. 2 Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa, siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan, na bayan ng dakilang Hari. 3 Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan. 4 Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong, sila'y nagsidaang magkakasama. 5 Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila; sila'y nanganglupaypay, sila'y nangagmadaling tumakas. 6 Panginginig ay humawak sa kanila roon; sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam. 7 Sa pamamagitan ng hanging silanganan iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis. 8 Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios: itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah) 9 Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios, sa gitna ng iyong templo. 10 Kung ano ang iyong pangalan, Oh Dios, gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa; ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran. 11 Matuwa ka bundok ng Sion, magalak ang mga anak na babae ng Juda, dahil sa iyong mga kahatulan. 12 Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya: inyong saysayin ang mga moog niyaon. 13 Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta, inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari; upang inyong maisaysay ito sa susunod na lahi. 14 Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man: siya'y magiging ating patnubay hanggang sa kamatayan.
1 A song. A Psalm of the sons of Korah. Great is the LORD, and greatly to be praised in the city of our God, in the mountain of his holiness.2 Beautiful for elevation, the joy of the whole earth, is mount Zion, on the sides of the north, the city of the great King.3 God is known in her palaces for a refuge.4 For, lo, the kings were assembled, they passed by together.5 They saw it, and so they marveled; they were troubled, and hastened away.6 Fear took hold upon them there, and pain, as of a woman in travail.7 You break the ships of Tarshish with an east wind.8 As we have heard, so have we seen in the city of the LORD of hosts, in the city of our God: God will establish it forever. Selah.9 We have thought of your lovingkindness, O God, in the midst of your temple.10 According to your name, O God, so is your praise unto the ends of the earth: your right hand is full of righteousness.11 Let mount Zion rejoice, let the daughters of Judah be glad, because of your judgments.12 Walk about Zion, and go round about her: number the towers thereof.13 Mark you well her bulwarks, consider her palaces; that you may tell it to the generation following.14 For this God is our God forever and ever: he will be our guide even unto death.