Publicidade

Salmos 140

1 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa masamang tao; ingatan mo ako sa marahas na tao: 2 Na nagaakala ng kasamaan sa kanilang puso: laging nagpipipisan sila sa pagdidigma. 3 Kanilang inihasa ang kanilang dila na parang ahas; kamandag ng mga ahas ay nasa kanilang mga labi. (Selah) 4 Ingatan mo ako, Oh Panginoon, sa mga kamay ng masama; ingatan mo ako sa marahas na tao: na nagakalang iligaw ang aking mga hakbang. 5 Ipinagkubli ako ng palalo ng silo, at ng mga panali; kanilang ipinaglagay ako ng bating sa tabi ng daan; sila'y naglagay ng mga silo na ukol sa akin. (Selah) 6 Aking sinabi sa Panginoon. Ikaw ay Dios ko: Pakinggan mo ang tinig ng aking mga dalangin, Oh Panginoon. 7 Oh Dios na Panginoon, na kalakasan ng aking kaligtasan, iyong tinakpan ang ulo ko sa kaarawan ng pagbabaka. 8 Huwag mong ipagkaloob, Oh Panginoon, ang mga nasa ng masama; huwag mong papangyarihin ang kaniyang masamang haka; baka sila'y mangagmalaki. (Selah) 9 Tungkol sa ulo niyaong nagsisikubkob sa aking palibot, takpan sila ng kasamaan ng kanilang sariling mga labi. 10 Mahulog sa kanila ang mga bagang nagniningas: mangahagis sila sa apoy; sa mga malalim na hukay, upang huwag na silang mangakabangon uli. 11 Ang mapagsalita ng masama ay hindi matatatag sa lupa: huhulihin ng kasamaan ang marahas na lalake upang ibuwal siya. 12 Nalalaman ko na aalalayan ng Panginoon ang usap ng nagdadalamhati, at ang matuwid ng mapagkailangan. 13 Walang pagsalang ang matuwid ay magpapasalamat sa iyong pangalan: ang matuwid ay tatahan sa iyong harapan.

1 To the Chief Musician. A Psalm of David. Deliver me, O LORD, from the evil man: preserve me from the violent man;2 Who imagine evil in their heart; continually are they gathered together for war.3 They have sharpened their tongues like a serpent; adders' poison is under their lips. Selah.4 Keep me, O LORD, from the hands of the wicked; preserve me from the violent man; who have purposed to overthrow my paths.5 The proud have hid a snare for me, and cords; they have spread a net by the wayside; they have set traps for me. Selah.6 I said unto the LORD, you are my God: hear the voice of my supplications, O LORD.7 O GOD the Lord, the strength of my salvation, you have covered my head in the day of battle.8 Grant not, O LORD, the desires of the wicked: further not his wicked device; lest they exalt themselves. Selah.9 As for the head of those that compass me about, let the mischief of their own lips cover them.10 Let burning coals fall upon them: let them be cast into the fire; into deep pits, that they rise not up again.11 Let not an evil speaker be established in the earth: evil shall hunt the violent man to overthrow him.12 I know that the LORD will maintain the cause of the afflicted, and the right of the poor.13 Surely the righteous shall give thanks unto your name: the upright shall dwell in your presence.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-