Publicidade

Salmos 71

1 Sa iyo Oh Panginoon, nanganganlong ako: huwag akong mapahiya kailan man. 2 Iligtas mo ako sa iyong katuwiran, at sagipin mo ako: ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at iligtas mo ako, 3 Ikaw ay maging kanlungan ng aking tahanan, na aking kapaparunang lagi: ikaw ay nagbigay utos na iligtas ako; sapagka't ikaw ay aking malaking bato at aking kuta. 4 Sagipin mo ako, Oh aking Dios, sa kamay ng masama, sa kamay ng liko at mabagsik na tao. 5 Sapagka't ikaw ay aking pagasa, Oh Panginoong Dios: ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan. 6 Sa pamamagitan mo ay naalalayan ako mula sa bahay-bata: ikaw ang kumuha sa akin sa tiyan ng aking ina: ang pagpuri ko'y magiging laging sa iyo. 7 Ako'y naging isang kagilagilalas sa marami; nguni't ikaw ang matibay kong kanlungan. 8 Ang bibig ko'y mapupuno ng pagpuri sa iyo, at ng iyong karangalan buong araw. 9 Huwag mo akong itakuwil sa katandaan; huwag mo akong pabayaan pagka ang aking kalakasan ay nanglulupaypay. 10 Sapagka't ang mga kaaway ko'y nangagsasalita tungkol sa akin: at silang nagsisibakay ng aking kaluluwa ay nangagsasanggunian, 11 Na nangagsasabi, pinabayaan siya ng Dios: iyong habulin at hulihin siya; sapagka't walang magligtas. 12 Oh Dios, huwag kang lumayo sa akin: Oh Dios ko, magmadali kang tulungan mo ako. 13 Mangapahiya at mangalipol sila na mga kaaway ng aking kaluluwa; mangatakpan ng pagkaduwahagi at kasiraang puri sila, na nagsisihanap ng aking kapahamakan. 14 Nguni't ako'y maghihintay na palagi, at pupuri pa ako sa iyo ng higit at higit. 15 Ang bibig ko'y magsasaysay ng iyong katuwiran, at ng iyong pagliligtas buong araw; sapagka't hindi ko nalalaman ang mga bilang. 16 Ako'y yayao na may mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Dios: aking babanggitin ang iyong katuwiran, sa makatuwid baga'y ang iyo lamang. 17 Oh Dios, iyong tinuruan ako mula sa aking kabataan; at hanggang ngayon ay aking inihahayag ang iyong kagilagilalas na mga gawa. 18 Oo, pag ako'y tumanda at may uban, Oh Dios, huwag mo akong pabayaan; hanggang sa aking maipahayag ang iyong kalakasan sa sumusunod na lahi, ang iyong kapangyarihan sa bawa't isa na darating. 19 Ang iyo ring katuwiran, Oh Dios, ay totoong mataas; ikaw na gumawa ng dakilang mga bagay, Oh Dios, sino ang gaya mo. 20 Ikaw na nagpakita sa amin ng marami at lubhang kabagabagan, bubuhayin mo uli kami, at ibabangon mo uli kami mula sa mga kalaliman ng lupa. 21 Palaguin mo ang aking kadakilaan, at bumalik ka uli, at aliwin mo ako. 22 Pupurihin din kita ng salterio, ang iyong katotohanan, Oh Dios ko; sa iyo'y aawit ako ng mga kapurihan sa pamamagitan ng alpa, Oh ikaw na Banal ng Israel. 23 Ang mga labi ko'y mangagagalak na mainam pagka ako'y umaawit ng mga pagpuri sa iyo; at ang kaluluwa ko, na iyong tinubos. 24 Ang dila ko naman ay magsasalita ng iyong katuwiran buong araw: sapagka't sila'y nangapahiya, sila'y nangalito, na nagsisihanap ng aking kapahamakan.

1 In you, O LORD, do I put my trust: let me never be put to confusion.2 Deliver me in your righteousness, and cause me to escape: incline your ear unto me, and save me.3 Be my strong habitation, to which I may continually resort: you have given commandment to save me; for you are my rock and my fortress.4 Deliver me, O my God, out of the hand of the wicked, out of the hand of the unrighteous and cruel man.5 For you are my hope, O Lord GOD: you are my trust from my youth.6 By you have I been upheld from birth: you are he that took me out of my mother's womb: my praise shall be continually of you.7 I am as a wonder unto many; but you are my strong refuge.8 Let my mouth be filled with your praise and with your honor all the day.9 Cast me not off in the time of old age; forsake me not when my strength fails.10 For my enemies speak against me; and they that lay wait for my soul take counsel together,11 Saying, God has forsaken him: persecute and take him; for there is none to deliver him.12 O God, be not far from me: O my God, make haste for my help.13 Let them be confounded and consumed that are adversaries to my soul; let them be covered with reproach and dishonor that seek my hurt.14 But I will hope continually, and will yet praise you more and more.15 My mouth shall show forth your righteousness and your salvation all the day; for I know not the limits thereof.16 I will go in the strength of the Lord GOD: I will make mention of your righteousness, even of yours only.17 O God, you have taught me from my youth: and to this day have I declared your wondrous works.18 Now also when I am old and gray headed, O God, forsake me not; until I have showed your strength unto this generation, and your power to every one that is to come.19 Your righteousness also, O God, is very high, who has done great things: O God, who is like unto you!20 You, who have showed me great and severe troubles, shall revive me again, and shall bring me up again from the depths of the earth.21 You shall increase my greatness, and comfort me on every side.22 I will also praise you with the psaltery, even your truth, O my God: unto you will I sing with the harp, O you Holy One of Israel.23 My lips shall greatly rejoice when I sing unto you; and my soul, which you have redeemed.24 My tongue also shall talk of your righteousness all the day long: for they are confounded, for they are brought unto shame, that seek my hurt.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-