1 Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso; aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa. 2 Ako'y magpapakasaya at magpapakagalak sa iyo: ako'y aawit ng pagpuri sa iyong pangalan, Oh ikaw na kataastaasan. 3 Pagka ang aking mga kaaway ay magsisibalik, sila'y matitisod at malilipol sa iyong harapan. 4 Sapagka't iyong inalalayan ang aking matuwid at ang aking usap; ikaw ay nauupo sa luklukan na humahatol na may katuwiran. 5 Iyong sinaway ang mga bansa, iyong nilipol ang masama, iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man. 6 Ang kaaway ay dumating sa wakas, sila'y lipol magpakailan man; at ang mga siyudad na iyong dinaig, ang tanging alaala sa kanila ay napawi. 7 Nguni't ang Panginoon ay nauupong hari magpakailan man: inihanda niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan. 8 At hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan, siya'y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao. 9 Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati, matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan; 10 At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo; sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo. 11 Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon, na nagsisitahan sa Sion: ipahayag ninyo sa gitna ng bayan ang kaniyang mga gawa. 12 Sapagka't siyang nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila: hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha. 13 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; masdan mo ang kadalamhatian na aking tinitiis sa kanila na mangagtatanim sa akin, ikaw na nagtataas sa akin mula sa mga pintuan ng kamatayan; 14 Upang aking maipakilala ang iyong buong kapurihan: sa mga pintuang-bayan ng anak na babae ng Sion, ako'y magagalak sa iyong pagliligtas. 15 Ang mga bansa ay nangahulog sa balon na kanilang ginawa: sa silo na kanilang ikinubli ay kanilang sariling paa ang nahuli. 16 Ang Panginoon ay napakilala, siya'y naglapat ng kahatulan: ang masama ay nasilo sa mga gawa ng kaniyang sariling mga kamay. (Higgaion. Selah) 17 Ang masama ay mauuwi sa Sheol, pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios. 18 Sapagka't ang mapagkailangan ay hindi laging malilimutan, ni ang pagasa ng dukha ay mapapawi magpakailan man. 19 Bumangon ka, Oh Panginoon; huwag manaig ang tao: mahatulan ang mga bansa sa iyong paningin. 20 Ilagay mo sila sa katakutan Oh, Panginoon: ipakilala mo sa mga bansa na sila'y mga tao lamang. (Selah)
1 To the Chief Musician. To the tune of »Death of the Son.« A Psalm of David. I will praise you, O LORD, with my whole heart; I will show forth all your marvelous works.2 I will be glad and rejoice in you: I will sing praise to your name, O most High.3 When my enemies are turned back, they shall fall and perish at your presence.4 For you have maintained my right and my cause; you sat in the throne judging right.5 You have rebuked the nations, you have destroyed the wicked, you have put out their name forever and ever.6 O you enemy, destructions are come to an everlasting end: and you have destroyed cities; their memory is perished with them.7 But the LORD shall endure forever: he has prepared his throne for judgment.8 And he shall judge the world in righteousness, he shall minister judgment to the people in uprightness.9 The LORD also will be a refuge for the oppressed, a refuge in times of trouble.10 And they that know your name will put their trust in you: for you, LORD, have not forsaken them that seek you.11 Sing praises to the LORD, who dwells in Zion: declare among the people his doings.12 When he avenges blood, he remembers them: he forgets not the cry of the humble.13 Have mercy upon me, O LORD; consider my trouble which I suffer from them that hate me, you that lift me up from the gates of death:14 That I may show forth all your praise in the gates of the daughter of Zion: I will rejoice in your salvation.15 The nations are sunk down in the pit that they made: in the net which they hid is their own foot taken.16 The LORD is known by the judgment which he executes: the wicked is snared in the work of his own hands. Higgaion. Selah.17 The wicked shall be turned into sheol, and all the nations that forget God.18 For the needy shall not always be forgotten: the expectation of the poor shall not perish forever.19 Arise, O LORD; let not man prevail: let the nations be judged in your sight.20 Put them in fear, O LORD: that the nations may know themselves to be but men. Selah.