1 Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka't sa iyo nanganganlong ako. 2 Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, ikaw ay aking Panginoon: ako'y walang kabutihan liban sa iyo. 3 Tungkol sa mga banal na nangasa lupa, sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos. 4 Ang mga kalumbayan nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios: ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog, ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan sa aking mga labi. 5 Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng aking saro: iyong inaalalayan ang aking kapalaran. 6 Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako; Oo, ako'y may mainam na mana. 7 Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo: Oo, tinuturuan ako sa gabi ng aking puso. 8 Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko: sapagka't kung siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos. 9 Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak: ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay. 10 Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan. 11 Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man.
1 A miktam of David. Preserve me, O God: for in you do I put my trust.2 O my soul, you have said unto the LORD, You are my Lord: my goodness reaches not to you;3 But to the saints that are in the earth, and to the noble, in whom is all my delight.4 Their sorrows shall be multiplied that hasten after another god: their drink offerings of blood will I not offer, nor take up their names upon my lips.5 The LORD is the portion of my inheritance and of my cup: you maintain my lot.6 The lines are fallen unto me in pleasant places; yea, I have a goodly heritage.7 I will bless the LORD, who has given me counsel: my heart also instructs me in the night seasons.8 I have set the LORD always before me: because he is at my right hand, I shall not be moved.9 Therefore my heart is glad, and my glory rejoices: my flesh also shall rest in hope.10 For you will not leave my soul in sheol; neither will you allow your Holy One to see corruption.11 You will show me the path of life: in your presence is fullness of joy; at your right hand there are pleasures forevermore.