Publicidade

Salmos 141

1 Panginoon, ako'y tumawag sa iyo: magmadali ka sa akin: pakinggan mo ang tinig ko, pagka ako'y tumatawag sa iyo. 2 Malagay ang aking dalangin na parang kamangyan sa harap mo; ang pagtataas ng aking mga kamay na parang hain sa kinahapunan. 3 Maglagay ka ng bantay, Oh Panginoon, sa harap ng aking bibig; ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi. 4 Huwag mong ikiling ang aking puso sa anomang masamang bagay, na gumawa sa mga gawa ng kasamaan na kasama ng mga taong nagsisigawa ng kasamaan: at huwag mo akong pakanin ng kanilang mga masarap na pagkain. 5 Sugatan ako ng matuwid, magiging kagandahan pa ng loob; at sawayin niya ako, magiging parang langis sa ulo; huwag tanggihan ng aking ulo: sapagka't sa kanilang kasamaan ay mamamalagi ang dalangin ko. 6 Ang kanilang mga hukom ay nangahagis sa mga tabi ng malaking bato; at kanilang maririnig ang aking mga salita; sapagka't matatamis. 7 Gaya ng kung inaararo at nabubungkal ang lupa, gayon ang aming mga buto ay nangangalat sa bibig ng Sheol. 8 Sapagka't ang mga mata ko'y nangasa iyo, Oh Dios na Panginoon: sa iyo nanganganlong ako; huwag mong iwan ang aking kaluluwa sa walang magkandili. 9 Iligtas mo ako sa silo na kanilang inilagay na ukol sa akin, at sa mga silo ng mga manggagawa ng kasamaan. 10 Mahulog ang masama sa kanilang sariling mga bating. Habang ako'y nakatatanan.

1 A Psalm of David. LORD, I cry unto you: make haste unto me; give ear unto my voice, when I cry unto you.2 Let my prayer be set forth before you as incense; and the lifting up of my hands as the evening sacrifice.3 Set a watch, O LORD, before my mouth; keep watch over the door of my lips.4 Incline not my heart to any evil thing, to practice wicked works with men that work iniquity: and let me not eat of their delicacies.5 Let the righteous strike me; it shall be a kindness: and let him reprove me; it shall be an excellent oil, which shall not break my head: for yet my prayer also shall be against their evil.6 When their judges are overthrown in stony places, they shall hear my words; for they are sweet.7 Our bones are scattered at the grave's mouth, as when one cuts and splits wood upon the earth.8 But my eyes are unto you, O GOD the Lord: in you is my trust; leave not my soul destitute.9 Keep me from the snares which they have laid for me, and the traps of the workers of iniquity.10 Let the wicked fall into their own nets, while I thus escape.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-