1 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. 2 Samantalang ako'y nabubuhay ay pupurihin ko ang Panginoon: ako'y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako'y may buhay. 3 Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo, ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo. 4 Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip. 5 Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob, na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios: 6 Na gumawa ng langit at lupa, ng dagat, at ng lahat na nandoon; na nagiingat ng katotohanan magpakailan man: 7 Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati; na nagbibigay ng pagkain sa gutom: pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo; 8 Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag; ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob; iniibig ng Panginoon ang matuwid; 9 Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa; kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao; nguni't ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad. 10 Maghahari ang Panginoon magpakailan man. Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi. Purihin ninyo ang Panginoon.
1 Praise you the LORD. Praise the LORD, O my soul.2 While I live will I praise the LORD: I will sing praises unto my God while I have any being.3 Put not your trust in princes, nor in the son of man, in whom there is no help.4 His breath goes forth, he returns to his earth; in that very day his thoughts perish.5 Happy is he that has the God of Jacob for his help, whose hope is in the LORD his God:6 Who made heaven, and earth, the sea, and all that is therein: who keeps truth forever:7 Who executes justice for the oppressed: who gives food to the hungry. The LORD looses the prisoners:8 The LORD opens the eyes of the blind: the LORD raises them that are bowed down: the LORD loves the righteous:9 The LORD preserves the strangers; he relieves the fatherless and widow: but the way of the wicked he turns upside down.10 The LORD shall reign forever, even your God, O Zion, unto all generations. Praise you the LORD.