Publicidade

Salmos 36

1 Ang pagsalangsang ng masama ay nagsasabi sa loob ng aking puso: walang takot sa Dios sa harap ng kaniyang mga mata. 2 Sapagka't siya'y nanghihibo ng kaniyang sariling mga mata, na ang kaniyang kasamaan ay hindi masusumpungan at pagtataniman. 3 Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at karayaan: iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng mabuti. 4 Siya'y kumakatha ng kasamaan sa kaniyang higaan; siya'y lumagay sa isang daan na hindi mabuti; hindi niya kinayayamutan ang kasamaan. 5 Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay nasa mga langit: ang iyong pagtatapat ay umaabot hanggang sa langit. 6 Ang iyong katuwiran ay gaya ng mga bundok ng Dios: ang iyong mga kahatulan ay dakilang kalaliman: Oh Panginoon, iyong iniingatan ang tao at hayop. 7 Napaka mahalaga ng iyong kagandahang-loob, Oh Dios! At ang mga anak ng mga tao ay nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak. 8 Sila'y nangabubusog ng sagana ng katabaan ng iyong bahay; at iyong paiinumin sila sa ilog ng iyong kaluguran. 9 Sapagka't nasa iyo ang bukal ng buhay: sa iyong liwanag makakakita kami ng liwanag. 10 Oh, ilagi mo nawa ang iyong kagandahang-loob sa kanila na nangakakakilala sa iyo: at ang iyong katuwiran sa matuwid sa puso. 11 Huwag nawang dumating laban sa akin ang paa ng kapalaluan, at huwag nawa akong itaboy ng kamay ng masama. 12 Doo'y nangabuwal ang mga manggagawa ng kasamaan: sila'y nangalugmok at hindi makakatindig.

1 To the Chief Musician. A Psalm of David the servant of the LORD. The transgression of the wicked says within my heart, that there is no fear of God before his eyes.2 For he flatters himself in his own eyes, until his iniquity is found to be hateful.3 The words of his mouth are iniquity and deceit: he has ceased to be wise, and to do good.4 He devises mischief upon his bed; he sets himself in a way that is not good; he abhors not evil.5 Your mercy, O LORD, is in the heavens; and your faithfulness reaches unto the clouds.6 Your righteousness is like the great mountains; your judgments are a great deep: O LORD, you preserve man and beast.7 How excellent is your lovingkindness, O God! therefore the children of men put their trust under the shadow of your wings.8 They shall be abundantly satisfied with the fullness of your house; and you shall make them drink of the river of your pleasures.9 For with you is the fountain of life: in your light shall we see light.10 O continue your lovingkindness unto them that know you; and your righteousness to the upright in heart.11 Let not the foot of pride come against me, and let not the hand of the wicked remove me.12 There are the workers of iniquity fallen: they are cast down, and shall not be able to rise.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-