Publicidade

Salmos 127

1 Malibang itayo ng Panginoon ang bahay, walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo: malibang ingatan ng Panginoon ang bayan, walang kabuluhang gumigising ang bantay. 2 Walang kabuluhan sa inyo na kayo'y magsibangong maaga, at magpahingang tanghali, at magsikain ng tinapay ng kapagalan: sapagka't binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal. 3 Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon: at ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala. 4 Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake, gayon ang mga anak ng kabataan. 5 Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon: sila'y hindi mapapahiya, pagka sila'y nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa pintuang-bayan.

1 A song of ascents. Of Solomon. Unless the LORD builds the house, they labor in vain that build it: unless the LORD keeps the city, the watchman wakes, but in vain.2 It is vain for you to rise up early, to sit up late, to eat the bread of sorrows: for so he gives his beloved sleep.3 Lo, children are a heritage of the LORD: and the fruit of the womb is his reward.4 As arrows are in the hand of a mighty man; so are children of the youth.5 Happy is the man that has his quiver full of them: they shall not be ashamed, but they shall speak with the enemies in the gate.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-