Publicidade

Salmos 26

1 Iyong hatulan ako Oh Panginoon, sapagka't ako'y lumakad sa aking pagtatapat: ako naman ay tumiwala sa Panginoon, na walang bulay-bulay. 2 Siyasatin mo ako, Oh Panginoon, at iyong subukin ako; subukin mo ang aking puso at ang aking isip. 3 Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay nasa harap ng aking mga mata: at ako'y lumakad sa iyong katotohanan. 4 Hindi ako naupo na kasama ng mga walang kabuluhang tao; ni papasok man ako na kasama ng mga mapagpakunwari. 5 Aking pinagtataniman ang kapisanan ng mga manggagawa ng kasamaan, at hindi ako uupo na kaumpok ng masama. 6 Aking huhugasan ang aking mga kamay sa pagkawalang sala; sa gayo'y aking lilibirin ang iyong dambana, Oh Panginoon: 7 Upang aking maiparinig ang tinig ng pagpapasalamat, at maisaysay ang lahat na iyong kagilagilalas na gawa. 8 Panginoon, aking iniibig ang tahanan ng iyong bahay, at ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian. 9 Huwag mong isama ang aking kaluluwa sa mga makasalanan, ni ang aking buhay man sa mga mabagsik na tao: 10 Na ang mga kamay ay kinaroroonan ng kasamaan, at ang kanilang kanan ay puno ng mga suhol. 11 Nguni't tungkol sa akin ay lalakad ako sa aking pagtatapat: iyong tubusin ako, at mahabag ka sa akin. 12 Ang aking paa ay nakatayo sa isang panatag na dako: sa mga kapisanan ay pupurihin ko ang Panginoon.

1 A Psalm of David. Judge me, O LORD; for I have walked in my integrity: I have trusted also in the LORD; therefore I shall not slide.2 Examine me, O LORD, and prove me; try my heart and my mind.3 For your lovingkindness is before my eyes: and I have walked in your truth.4 I have not sat with vain persons, neither will I go in with hypocrites.5 I have hated the congregation of evildoers; and will not sit with the wicked.6 I will wash my hands in innocence: so will I go about your altar, O LORD:7 That I may proclaim with the voice of thanksgiving, and tell of all your wondrous works.8 LORD, I have loved the habitation of your house, and the place where your honor dwells.9 Gather not my soul with sinners, nor my life with bloody men:10 In whose hands is mischief, and their right hand is full of bribes.11 But as for me, I will walk in my integrity: redeem me, and be merciful unto me.12 My foot stands in an even place: in the congregations will I bless the LORD.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-