Publicidade

Salmos 40

1 Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon; at siya'y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing. 2 Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, mula sa balahong malagkit; at itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at itinatag ang aking mga paglakad. 3 At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios: marami ang mangakakakita at mangatatakot, at magsisitiwala sa Panginoon. 4 Mapalad ang tao na ginagawang kaniyang tiwala ang Panginoon, at hindi iginagalang ang palalo, ni ang mga naliligaw man sa pagsunod sa mga kabulaanan. 5 Marami, Oh Panginoon kong Dios, ang mga kagilagilalas na mga gawa na iyong ginawa, at ang iyong mga pagiisip sa amin: hindi malalagay na maayos sa harap mo; kung ako'y magpapahayag at sasalitain ko sila, sila'y higit kay sa mabibilang. 6 Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran; ang aking pakinig ay iyong binuksan: handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi. 7 Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito, dumating ako; sa balumbon ng aklat ay nakasulat tungkol sa akin: 8 Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko; Oo, ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso. 9 Ako'y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran sa dakilang kapisanan; narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi, Oh Panginoon, iyong nalalaman. 10 Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso; aking ibinalita ang iyong pagtatapat, at ang iyong pagliligtas: hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan. 11 Huwag mong pigilin sa akin ang iyong mga malumanay na kaawaan, Oh Panginoon: panatilihin mong lagi sa akin ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan. 12 Sapagka't kinulong ako ng walang bilang na kasamaan. Ang mga kasamaan ko ay umabot sa akin, na anopa't hindi ako makatingin; sila'y higit kay sa mga buhok ng aking ulo, at ang aking puso ay nagpalata sa akin. 13 Kalugdan mo nawa, Oh Panginoon, na iligtas ako: Ikaw ay magmadaling tulungan mo ako, Oh Panginoon. 14 Sila'y mangapahiya nawa at mangatulig na magkakasama na nagsisiusig ng aking kaluluwa upang ipahamak: Sila nawa'y mangapaurong at mangadala sa kasiraang puri na nangalulugod sa aking kapahamakan. 15 Mangapahamak nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan na nangagsasabi sa akin, Aha, aha. 16 Mangagalak at mangatuwa nawa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo: yaong nangagiibig ng iyong kaligtasan ay mangagsabi nawang palagi, Ang Panginoon ay dakilain. 17 Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan; Gayon ma'y inalaala ako ng Panginoon: Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas; huwag kang magluwat, Oh Dios ko.

1 To the Chief Musician. A Psalm of David. I waited patiently for the LORD; and he inclined unto me, and heard my cry.2 He brought me up also out of a horrible pit, out of the miry clay, and set my feet upon a rock, and established my steps.3 And he has put a new song in my mouth, even praise unto our God: many shall see it, and fear, and shall trust in the LORD.4 Blessed is that man that makes the LORD his trust, and respects not the proud, nor such as turn aside to lies.5 Many, O LORD my God, are your wonderful works which you have done, and your thoughts which are toward us: they cannot be recounted in order unto you: if I would declare and speak of them, they are more than can be numbered.6 Sacrifice and offering you did not desire; my ears have you opened: burnt offering and sin offering have you not required.7 Then said I, Lo, I come: in the volume of the book it is written of me,8 I delight to do your will, O my God: yea, your law is within my heart.9 I have preached righteousness in the great congregation: lo, I have not restrained my lips, O LORD, you know.10 I have not hid your righteousness within my heart; I have declared your faithfulness and your salvation: I have not concealed your lovingkindness and your truth from the great congregation.11 Withhold not your tender mercies from me, O LORD: let your lovingkindness and your truth continually preserve me.12 For innumerable evils have surrounded me: my iniquities have taken hold upon me, so that I am not able to look up; they are more than the hairs of my head: therefore my heart fails me.13 Be pleased, O LORD, to deliver me: O LORD, make haste to help me.14 Let them be ashamed and confounded together that seek after my soul to destroy it; let them be driven backward and put to shame that wish me evil.15 Let them be desolate as a reward for their shame that say unto me, Aha, aha.16 Let all those that seek you rejoice and be glad in you: let such as love your salvation say continually, The LORD be magnified.17 But I am poor and needy; yet the Lord thinks upon me: you are my help and my deliverer; make no tarrying, O my God.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-