1 Maawa ka sa akin, Oh Dios, maawa ka sa akin; sapagka't ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo. Oo, sa lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako, hanggang sa makaraan ang mga kasakunaang ito. 2 Ako'y dadaing sa Dios na Kataastaasan; sa Dios na nagsagawa ng lahat na mga bagay sa akin. 3 Siya'y magsusugo mula sa langit, at ililigtas ako, pagka yaong lulunok sa akin ay dumuduwahagi; (Selah) susuguin ng Dios ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang katotohanan. 4 Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon: ako'y nahihiga sa gitna niyaong mga pinaningasan ng apoy, sa mga anak ng tao, na ang mga ngipin ay sibat at mga pana, at ang kanilang dila ay matalas na tabak. 5 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit; mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa. 6 Kanilang hinandaan ng silo ang aking mga hakbang. Ang aking kaluluwa ay nakayuko: sila'y nagsihukay ng isang lungaw sa harap ko. Sila'y nangahulog sa gitna niyaon. (Selah) 7 Ang aking puso ay matatag, Oh Dios, ang aking puso ay matatag: ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri. 8 Gumising ka, kaluwalhatian ko; gumising ka, salterio at alpa: ako'y gigising na maaga. 9 Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan: ako'y aawit sa iyo ng mga pagpuri sa gitna ng mga bansa. 10 Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila hanggang sa mga langit, at ang iyong katotohanan hanggang sa mga alapaap. 11 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit; mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.
1 To the Chief Musician, altaschith. A michtam of David, when he fled from Saul into the cave. Be merciful unto me, O God, be merciful unto me: for my soul trusts in you: yea, in the shadow of your wings will I make my refuge, until these calamities have passed.2 I will cry unto God most high; unto God who performs all things for me.3 He shall send from heaven, and save me from the reproach of him that would swallow me up. Selah. God shall send forth his mercy and his truth.4 My soul is among lions: and I lie even among them that are set on fire, even the sons of men, whose teeth are spears and arrows, and their tongue a sharp sword.5 Be exalted, O God, above the heavens; let your glory be above all the earth.6 They have prepared a net for my steps; my soul is bowed down: they have dug a pit before me, into the midst of which they are fallen themselves. Selah.7 My heart is fixed, O God, my heart is fixed: I will sing and give praise.8 Awake, my glory; awake, psaltery and harp: I myself will awake early.9 I will praise you, O Lord, among the people: I will sing unto you among the nations.10 For your mercy is great unto the heavens, and your truth unto the clouds.11 Be exalted, O God, above the heavens: let your glory be above all the earth.