Publicidade

Salmos 92

1 Isang mabuting bagay ang magpapasalamat sa Panginoon, at umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan: 2 Upang magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga, at ng iyong pagtatapat gabigabi. 3 Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio; na may dakilang tunog na alpa. 4 Sapagka't ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako sa iyong gawa: ako'y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay. 5 Kay dakila ng iyong mga gawa, Oh Panginoon! Ang iyong mga pagiisip ay totoong malalim. 6 Ang taong hangal ay hindi nakakaalam; ni nauunawa man ito ng mangmang. 7 Pagka ang masama ay lumilitaw na parang damo, at pagka gumiginhawa ang lahat na manggagawa ng kasamaan; ay upang mangalipol sila magpakailan man: 8 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mataas magpakailan man. 9 Sapagka't, narito, ang mga kaaway mo, Oh Panginoon, sapagka't, narito, ang mga kaaway mo'y malilipol; lahat ng mga manggagawa ng kasamaan ay mangangalat. 10 Nguni't ang sungay ko'y iyong pinataas na parang sungay ng mailap na toro: ako'y napahiran ng bagong langis. 11 Nakita naman ng aking mata ang nasa ko sa aking mga kaaway, narinig ng aking pakinig ang nasa ko sa mga manggagawa ng kasamaan na nagsisibangon laban sa akin. 12 Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma. Siya'y tutubo na parang cedro sa Libano. 13 Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon; sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios. 14 Sila'y mangagbubunga sa katandaan; sila'y mapupuspos ng katas at kasariwaan: 15 Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid; siya'y aking malaking bato, at walang kalikuan sa kaniya.

1 A Psalm or Song for the Sabbath day. It is a good thing to give thanks unto the LORD, and to sing praises unto your name, O most High:2 To show forth your lovingkindness in the morning, and your faithfulness every night,3 Upon an instrument of ten strings, and upon the psaltery; upon the harp with a melodious sound.4 For you, LORD, have made me glad through your work: I will triumph in the works of your hands.5 O LORD, how great are your works! and your thoughts are very deep.6 A senseless man knows not; neither does a fool understand this.7 When the wicked spring as the grass, and when all the workers of iniquity do flourish; it is that they shall be destroyed forever:8 But you, LORD, are most high forevermore.9 For, lo, your enemies, O LORD, for, lo, your enemies shall perish; all the workers of iniquity shall be scattered.10 But my horn shall you exalt like the horn of a wild ox: I shall be anointed with fresh oil.11 My eye also shall see my desire on my enemies, and my ears shall hear my desire of the wicked that rise up against me.12 The righteous shall flourish like the palm tree: he shall grow like a cedar in Lebanon.13 Those that are planted in the house of the LORD shall flourish in the courts of our God.14 They shall still bring forth fruit in old age; they shall be healthy and flourishing;15 To show that the LORD is upright: he is my rock, and there is no unrighteousness in him.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-