1 Tumulong ka, Panginoon, sapagka't ang banal na tao ay nalilipol; sapagka't nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao. 2 Sila'y nangagsasalitaan bawa't isa ng kabulaanan, sa kanikaniyang kapuwa: na may mapanuyang labi, at may giring pulang puso na nangagsasalita. 3 Ihihiwalay ng Panginoon, ang lahat na mapanuyang labi, ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay: 4 Na nagsipagsabi, sa pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami; ang aming mga labi ay aming sarili: sino ang panginoon sa amin? 5 Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan, titindig nga ako, sabi ng Panginoon; ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian. 6 Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita; na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa, na makapitong dinalisay. 7 Iyong iingatan sila, Oh Panginoon, iyong pakaingatan sila mula sa lahing ito magpakailan man. 8 Ang masama ay naggala saa't saan man. Pagka ang kapariwaraan ay natataas sa gitna ng mga anak ng mga tao.
1 To the Chief Musician upon sheminith. A Psalm of David. Help, LORD; for the godly man ceases; for the faithful fail from among the children of men.2 They speak vanity every one with his neighbor: with flattering lips and with a double heart do they speak.3 The LORD shall cut off all flattering lips, and the tongue that speaks proud things:4 Who have said, With our tongue will we prevail; our lips are our own: who is lord over us?5 For the oppression of the poor, for the sighing of the needy, now will I arise, says the LORD; I will set him in safety from him that sneers at him.6 The words of the LORD are pure words: as silver tested in a furnace of earth, purified seven times.7 You shall keep them, O LORD, you shall preserve them from this generation forever.8 The wicked prowl on every side, when vile men are exalted.