1 Purihin ninyo ang Panginoon. Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit, at ng kaniyang kapurihan sa kapisanan ng mga banal. 2 Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya: magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari. 3 Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw: magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa. 4 Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan: kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo. 5 Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian: magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan. 6 Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios, at tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay; 7 Upang magsagawa ng panghihiganti sa mga bansa, at mga parusa sa mga bayan; 8 Upang talian ang kanilang mga hari ng mga tanikala, at ang kanilang mga mahal na tao ng mga panaling bakal; 9 Upang magsagawa sa kanila ng hatol na nasusulat: mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal. Purihin ninyo ang Panginoon.
1 Praise you the LORD. Sing unto the LORD a new song, and his praise in the congregation of saints.2 Let Israel rejoice in him that made him: let the children of Zion be joyful in their King.3 Let them praise his name in the dance: let them sing praises unto him with the timbrel and harp.4 For the LORD takes pleasure in his people: he will beautify the meek with salvation.5 Let the saints be joyful in glory: let them sing aloud upon their beds.6 Let the high praises of God be in their mouth, and a two-edged sword in their hand;7 To execute vengeance upon the nations, and punishments upon the people;8 To bind their kings with chains, and their nobles with fetters of iron;9 To execute upon them the judgment written: this honor have all his saints. Praise you the LORD.