Publicidade

Salmos 118

1 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 2 Magsabi ngayon ang Israel, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 3 Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 4 Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 5 Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon: sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako sa maluwag na dako. 6 Ang Panginoon ay kakampi ko; hindi ako matatakot: anong magagawa ng tao sa akin? 7 Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin: kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin. 8 Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa tao. 9 Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo. 10 Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila. 11 Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila. 12 Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y nangamatay na parang apoy ng mga dawag: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila. 13 Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal: nguni't tulungan ako ng Panginoon. 14 Ang Panginoon ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan. 15 Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid: ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang. 16 Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi; ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang. 17 Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay, at magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon. 18 Pinarusahan akong mainam ng Panginoon; nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan. 19 Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran; aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon. 20 Ito'y siyang pintuan ng Panginoon; papasukan ng matuwid. 21 Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako! At ikaw ay naging aking kaligtasan. 22 Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok. 23 Ito ang gawa ng Panginoon: kagilagilalas sa harap ng ating mga mata. 24 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan. 25 Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon: Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan. 26 Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon: aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon. 27 Ang Panginoon ay Dios, at binigyan niya kami ng liwanag; talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila sungay ng dambana. 28 Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo: ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka. 29 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

1 O give thanks unto the LORD; for he is good: because his mercy endures forever.2 Let Israel now say, that his mercy endures forever.3 Let the house of Aaron now say, that his mercy endures forever.4 Let them now that fear the LORD say, that his mercy endures forever.5 I called upon the LORD in distress: the LORD answered me, and set me in a broad place.6 The LORD is on my side; I will not fear: what can man do unto me?7 The LORD takes my part with them that help me: therefore shall I see my desire upon them that hate me.8 It is better to trust in the LORD than to put confidence in man.9 It is better to trust in the LORD than to put confidence in princes.10 All nations encompassed me about: but in the name of the LORD will I destroy them.11 They encompassed me about; yea, they encompassed me about: but in the name of the LORD I will destroy them.12 They encompassed me about like bees; they are quenched as the fire of thorns: for in the name of the LORD I will destroy them.13 You have thrust hard at me that I might fall: but the LORD helped me.14 The LORD is my strength and song, and is become my salvation.15 The voice of rejoicing and salvation is in the tabernacles of the righteous: the right hand of the LORD does valiantly.16 The right hand of the LORD is exalted: the right hand of the LORD does valiantly.17 I shall not die, but live, and declare the works of the LORD.18 The LORD has chastened me severely: but he has not given me over unto death.19 Open to me the gates of righteousness: I will go into them, and I will praise the LORD:20 This gate of the LORD, into which the righteous shall enter.21 I will praise you: for you have heard me, and have become my salvation.22 The stone which the builders rejected has become the head stone of the corner.23 This is the LORD'S doing; it is marvelous in our eyes.24 This is the day which the LORD has made; we will rejoice and be glad in it.25 Save now, I beseech you, O LORD: O LORD, I beseech you, send now prosperity.26 Blessed be he that comes in the name of the LORD: we have blessed you out of the house of the LORD.27 God is the LORD, who has showed us light: bind the sacrifice with cords, even unto the horns of the altar.28 You are my God, and I will praise you: you are my God, I will exalt you.29 O give thanks unto the LORD; for he is good: for his mercy endures forever.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-