1 Iligtas mo ako sa aking mga kaaway, Oh Dios ko: ilagay mo ako sa mataas sa kanila na nagsisibangon laban sa akin. 2 Iligtas mo ako sa mga manggagawa ng kasamaan, at iligtas mo ako sa mga mabagsik na tao. 3 Sapagka't narito, kanilang binabakayan ang aking kaluluwa; ang mga makapangyarihan ay nagpipisan laban sa akin: hindi dahil sa aking pagsalangsang, o sa aking kasalanan man, Oh Panginoon. 4 Sila'y nagsisitakbo at nagsisihanda na wala akong sala: ikaw ay gumising na tulungan mo ako, at masdan mo. 5 Sa makatuwid baga'y ikaw, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, na Dios ng Israel, ikaw ay bumangon upang iyong dalawin ang lahat ng mga bansa: huwag kang maawa sa kanino mang masamang mananalangsang. (Selah) 6 Sila'y nagsibalik sa kinahapunan, sila'y nagsitahol na parang aso, at nililigid ang bayan. 7 Narito, sila'y nanunungayaw ng kanilang bibig; mga tabak ay nangasa kanilang mga labi: sapagka't sino, sabi nila, ang nakikinig? 8 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, tatawa sa kanila; iyong tutuyain ang lahat ng mga bansa. 9 Dahil sa kaniyang kalakasan, didinggin kita; sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog. 10 Ang aking Dios pati ng kaniyang kagandahang-loob ay sasalubong sa akin: ipakikita ng Dios sa akin ang aking nasa sa aking mga kaaway. 11 Huwag mo silang patayin, baka makalimot ang aking bayan; pangalatin mo sila ng iyong kapangyarihan, at ibaba mo sila, Oh Panginoon na kalasag namin. 12 Dahil sa kasalanan ng kanilang bibig, at sa mga salita ng kanilang mga labi, makuha nawa sila sa kanilang kapalaluan, at dahil sa sumpa at pagsisinungaling na kanilang sinalita. 13 Pugnawin mo sila sa poot, pugnawin mo sila, upang sila'y mawala: at ipakilala mo sa kanila na ang Dios ay nagpupuno sa Jacob, hanggang sa mga wakas ng lupa. (Selah) 14 At sa kinahapunan ay papagbalikin mo sila, pahagulhulin mo silang parang aso, at libutin nila ang bayan. 15 Sila'y gagala na magmamanhik-manaog dahil sa pagkain, at maghihintay buong gabi kung hindi sila mabusog. 16 Nguni't aking aawitin ang iyong kalakasan; Oo, aking aawiting malakas ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan: sapagka't ikaw ay naging aking matayog na moog, at kanlungan sa kaarawan ng aking kabagabagan. 17 Sa iyo, Oh kalakasan ko, aawit ako ng mga pagpuri: sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog, ang Dios ng aking kaawaan.
1 To the Chief Musician, altaschith. A michtam of David; when Saul sent, and they watched the house to kill him. Deliver me from my enemies, O my God: defend me from them that rise up against me.2 Deliver me from the workers of iniquity, and save me from bloodthirsty men.3 For, lo, they lie in wait for my soul: the mighty are gathered against me; not for my transgression, nor for my sin, O LORD.4 They run and prepare themselves apart from my fault: awake to help me, and behold.5 You therefore, O LORD God of hosts, the God of Israel, awake to punish all the nations: be not merciful to any wicked transgressors. Selah.6 They return at evening: they make a noise like a dog, and go round about the city.7 Behold, they bellow out with their mouths: swords are in their lips: for who, say they, does hear?8 But you, O LORD, shall laugh at them; you shall have all the nations in derision.9 Because of your strength will I wait upon you: for God is my defense.10 The God of my mercy shall meet me: God shall let me see my desire upon my enemies.11 Slay them not, lest my people forget: scatter them by your power; and bring them down, O Lord our shield.12 For the sin of their mouth and the words of their lips let them even be taken in their pride: and for the cursing and lying which they speak.13 Consume them in wrath, consume them, that they may not be: and let them know that God rules in Jacob unto the ends of the earth. Selah.14 And at evening let them return; and let them make a noise like a dog, and go round about the city.15 Let them wander up and down for food, and growl if they are not satisfied.16 But I will sing of your power; yea, I will sing aloud of your mercy in the morning: for you have been my defense and refuge in the day of my trouble.17 Unto you, O my Strength, will I sing: for God is my defense, and the God of my mercy.