1 Ako'y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso: sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo. 2 Ako'y sasamba sa dako ng iyong banal na templo, at magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan: sapagka't iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan. 3 Nang araw na ako'y tumawag ay sinagot mo ako, iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa. 4 Lahat ng mga hari sa lupa ay mangagpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sapagka't kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig. 5 Oo, sila'y magsisiawit tungkol sa mga daan ng Panginoon; sapagka't dakila ang kaluwalhatian ng Panginoon. 6 Sapagka't bagaman ang Panginoon ay mataas, gumagalang din sa mababa: nguni't ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo. 7 Bagaman ako'y lumakad sa gitna ng kabagabagan, iyong bubuhayin ako; iyong iuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway, at ililigtas ako ng iyong kanan. 8 Pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin: ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay magpakailan man; huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay.
1 A Psalm of David. I will praise you with my whole heart: before the gods will I sing praise unto you.2 I will worship toward your holy temple, and praise your name for your lovingkindness and for your truth: for you have magnified your word above all your name.3 In the day when I cried you answered me, and strengthened me with strength in my soul.4 All the kings of the earth shall praise you, O LORD, when they hear the words of your mouth.5 Yea, they shall sing in the ways of the LORD: for great is the glory of the LORD.6 Though the LORD be high, yet has he respect unto the lowly: but the proud he knows from afar.7 Though I walk in the midst of trouble, you will revive me: you shall stretch forth your hand against the wrath of my enemies, and your right hand shall save me.8 The LORD will perfect that which concerns me: your mercy, O LORD, endures forever: forsake not the works of your own hands.