1 Bumangon nawa ang Dios, mangalat ang kaniyang mga kaaway; sila namang nangagtatanim sa kaniya ay magsitakas sa harap niya. 2 Kung paanong napaparam ang usok ay gayon nangapaparam sila. Kung paanong natutunaw ang pagkit sa harap ng apoy, gayon mamatay ang masama sa harapan ng Dios. 3 Nguni't mangatuwa ang matuwid; mangagalak sila sa harap ng Dios: Oo, mangagalak sila ng kasayahan. 4 Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan: ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang; ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya. 5 Ama ng mga ulila, at hukom ng mga babaing bao, ang Dios sa kaniyang banal na tahanan. 6 Pinapagmamaganak ng Dios ang mga nagiisa: kaniyang inilalabas sa kaginhawahan ang mga bilanggo: nguni't ang mga mapanghimagsik ay magsisitahan sa tuyong lupa. 7 Oh Dios, nang ikaw ay lumabas sa harap ng iyong bayan, nang ikaw ay lumakad sa ilang; (Selah) 8 Ang lupa ay nayanig, ang mga langit naman ay tumulo sa harapan ng Dios: ang Sinai na yaon ay nayanig sa harapan ng Dios, ng Dios ng Israel. 9 Ikaw, Oh Dios, naglagpak ng saganang ulan, iyong pinatibay ang iyong mana, noong ito'y mahina. 10 Ang iyong kapisanan ay tumahan doon: ikaw, Oh Dios, ipinaghanda mo ng iyong kabutihan ang dukha. 11 Nagbibigay ng salita ang Panginoon: ang mga babaing nangaghahayag ng mga balita ay malaking hukbo. 12 Mga hari ng mga hukbo ay nagsisitakas, sila'y nagsisitakas: at nangamamahagi ng samsam ang naiwan sa bahay. 13 Mahihiga ba kayo sa gitna ng mga kulungan ng mga kawan, na parang mga pakpak ng kalapati na natatakpan ng pilak, at ng kaniyang balahibo ng gintong madilaw? 14 Nang ang Makapangyarihan sa lahat ay magkalat ng mga hari roon, ay tila nagka nieve sa Salmon. 15 Bundok ng Dios ay ang bundok ng Basan; mataas na bundok ang bundok ng Basan. 16 Bakit kayo'y nagsisiirap, kayong matataas na mga bundok, sa bundok na ninasa ng Dios na maging kaniyang tahanan? Oo, tatahan doon ang Panginoon magpakailan man. 17 Ang mga karo ng Dios ay dalawang pung libo sa makatuwid baga'y libolibo: ang Panginoon ay nasa gitna nila, kung paano sa Sinai, gayon sa santuario. 18 Sumampa ka sa mataas, pinatnubayan mo ang iyong bihag sa pagkabihag; tumanggap ka ng mga kaloob sa gitna ng mga tao, Oo, pati sa mga mapanghimagsik, upang makatahang kasama nila ang Panginoong Dios. 19 Purihin ang Panginoon na nagpapasan araw-araw ng aming pasan, sa makatuwid baga'y ang Dios na siyang aming kaligtasan. (Selah) 20 Ang Dios sa amin ay Dios ng mga kaligtasan; at kay Jehova na Panginoon ukol ang pagpapalaya sa kamatayan. 21 Nguni't sasaktan ng Dios ang ulo ng kaniyang mga kaaway. Ang bunbunang mabuhok ng nagpapatuloy sa kaniyang sala. 22 Sinabi ng Panginoon, ibabalik ko uli mula sa Basan, ibabalik ko uli sila mula sa mga kalaliman ng dagat: 23 Upang madurog mo sila, na nalulubog ang iyong paa sa dugo, upang ang dila ng iyong mga aso ay magkaroon ng kaniyang pagkain sa iyong mga kaaway. 24 Kanilang nakita ang iyong mga lakad, Oh Dios, sa makatuwid baga'y ang lakad ng aking Dios, ng aking Hari, sa loob ng santuario. 25 Ang mga mangaawit ay nangagpauna, ang mga manunugtog ay nagsisunod, sa gitna ng mga dalaga na nagtutugtugan ng mga pandereta. 26 Purihin ninyo ang Dios sa mga kapisanan, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ninyong mga sa bukal ng lahi ng Israel. 27 Doo'y ang munting Benjamin ay siyang kanilang puno, ang mga pangulo ng Juda at ang kanilang pulong, ang mga pangulo ng Zabulon, ang mga pangulo ng Nephtali. 28 Ang Dios mo'y nagutos ng iyong kalakasan: patibayin mo, Oh Dios, ang ginawa mo sa amin. 29 Dahil sa iyong templo sa Jerusalem mga hari ay mangagdadala ng mga kaloob sa iyo. 30 Sawayin mo ang mga mailap na hayop sa mga puno ng tambo, ang karamihan ng mga toro na kasama ng mga guya ng mga bayan, na niyayapakan sa ilalim ng paa ang mga putol ng pilak; iyong pinangalat ang mga bayan na nangagagalak sa pagdidigma. 31 Mga pangulo ay magsisilabas sa Egipto; magmamadali ang Etiopia na igawad ang kaniyang mga kamay sa Dios. 32 Magsiawit kayo sa Dios, kayong mga kaharian sa lupa; Oh magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon. 33 Sa kaniya na sumasakay sa langit ng mga langit, na noon pang una: narito, binibigkas niya ang kaniyang tinig, na makapangyarihang tinig, 34 Inyong isa Dios ang kalakasan: ang kaniyang karilagan ay nasa Israel, at ang kaniyang kalakasan ay nasa mga langit. 35 Oh Dios, ikaw ay kakilakilabot mula sa iyong mga dakong banal: ang Dios ng Israel, ay nagbibigay ng kalakasan at kapangyarihan sa kaniyang bayan. Purihin ang Panginoon.
1 To the Chief Musician. A Psalm or Song of David. Let God arise, let his enemies be scattered: let them also that hate him flee before him.2 As smoke is driven away, so drive them away: as wax melts before the fire, so let the wicked perish at the presence of God.3 But let the righteous be glad; let them rejoice before God: yea, let them exceedingly rejoice.4 Sing unto God, sing praises to his name: extol him that rides upon the heavens by his name, the LORD, and rejoice before him.5 A father of the fatherless, and a judge of the widows, is God in his holy habitation.6 God sets the solitary in families: he brings out those who are bound with chains: but the rebellious dwell in a dry land.7 O God, when you went forth before your people, when you did march through the wilderness; Selah:8 The earth shook, the heavens also dropped rain at the presence of God: even Sinai itself was moved at the presence of God, the God of Israel.9 You, O God, did send a plentiful rain, by which you did confirm your inheritance, when it was weary.10 Your congregation has dwelt therein: you, O God, have provided of your goodness for the poor.11 The Lord gave the word: great was the company of those that published it.12 Kings of armies did flee in haste: and she that tarried at home divided the spoil.13 Though you have slept among the sheepfolds, yet shall you be as the wings of a dove covered with silver, and her feathers with yellow gold.14 When the Almighty scattered kings in it, it was white as snow in Zalmon.15 The hill of God is as the hill of Bashan; a high hill as the hill of Bashan.16 Why leap you, you high hills? this is the hill which God desires to dwell in; yea, the LORD will dwell in it forever.17 The chariots of God are twenty thousand, even thousands of angels: the Lord is among them, as in Sinai, in the holy place.18 You have ascended on high, you have led captivity captive: you have received gifts for men; yea, for the rebellious also, that the LORD God might dwell among them.19 Blessed be the Lord, who daily loads us with benefits, even the God of our salvation. Selah.20 He that is our God is the God of salvation; and unto GOD the Lord belong the escape from death.21 But God shall wound the head of his enemies, and the hairy scalp of such a one as goes on still in his trespasses.22 The Lord said, I will bring again from Bashan, I will bring my people again from the depths of the sea:23 That your foot may be dipped in the blood of your enemies, and the tongue of your dogs in the same.24 They have seen your goings, O God; even the goings of my God, my King, in the sanctuary.25 The singers went before, the players on instruments followed after; among them were the damsels playing with timbrels.26 Bless you God in the congregations, even the Lord, from the fountain of Israel.27 There is little Benjamin, their leader, the princes of Judah and their company, the princes of Zebulun, and the princes of Naphtali.28 Your God has commanded your strength: strengthen, O God, that which you have done for us.29 Because of your temple at Jerusalem shall kings bring presents unto you.30 Rebuke the company of spearmen, the multitude of the bulls, with the calves of the people, till every one submits himself with pieces of silver: scatter you the people that delight in war.31 Princes shall come out of Egypt; Ethiopia shall soon stretch out her hands unto God.32 Sing unto God, you kingdoms of the earth; O sing praises unto the Lord; Selah:33 To him that rides upon the heaven of heavens, which were of old; lo, he does send out his voice, and that a mighty voice.34 Ascribe you strength unto God: his excellency is over Israel, and his strength is in the clouds.35 O God, you are awesome out of your holy places: the God of Israel is he that gives strength and power unto his people. Blessed be God.