1 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 2 Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon, na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway; 3 At mga pinisan mula sa mga lupain, mula sa silanganan, at mula sa kalunuran, mula sa hilagaan at mula sa timugan. 4 Sila'y nagsilaboy sa ilang, sa ulilang landas; sila'y hindi nakasumpong ng bayang tahanan. 5 Gutom at uhaw, ang kanilang kaluluwa'y nanglupaypay sa kanila. 6 Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan. 7 Pinatnubayan naman niya sila sa matuwid na daan, upang sila'y magsiyaon sa bayang tahanan. 8 Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! 9 Sapagka't kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa, at ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan. 10 Ang gayong tumatahan sa kadiliman, at sa lilim ng kamatayan, na natatali sa dalamhati at pangaw; 11 Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios, at hinamak ang payo ng Kataastaasan: 12 Kaya't kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap; sila'y nangabuwal, at walang sumaklolo. 13 Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan. 14 Inilabas niya sila sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan, at pinatid ang kanilang mga tali. 15 Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! 16 Sapagka't kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso, at pinutol ang mga halang na bakal. 17 Mga mangmang dahil sa kanilang mga pagsalangsang, at dahil sa kanilang mga kasamaan ay nadadalamhati. 18 Kinayayamutan ng kanilang kaluluwa ang sarisaring pagkain; at sila'y nagsisilapit sa mga pintuan ng kamatayan, 19 Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan. 20 Sinugo niya ang kaniyang salita, at pinagaling sila, at iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak. 21 Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! 22 At mangaghandog sila ng mga hain na pasalamat, at ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan. 23 Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyan, na nangangalakal sa mga malawak na tubig; 24 Ang mga ito'y nangakakakita ng mga gawa ng Panginoon, at ng kaniyang mga kababalaghan sa kalaliman. 25 Sapagka't siya'y naguutos, at nagpapaunos, na nagbabangon ng mga alon niyaon. 26 Nagsisitaas sa mga langit, nagsisibaba uli sa mga kalaliman: ang kanilang kaluluwa ay natutunaw dahil sa kabagabagan. 27 Sila'y hahampashampas na paroo't parito, at gigiraygiray na parang lasing, at ang kanilang karunungan ay nawala. 28 Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at inilabas niya sila sa kanilang kahirapan. 29 Kaniyang pinahihimpil ang bagyo, na anopa't ang mga alon niyaon ay nagsisitahimik. 30 Nang magkagayo'y natutuwa sila, dahil sa sila'y tiwasay. Sa gayo'y kaniyang dinadala sila sa daongang kanilang ibigin. 31 Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! 32 Ibunyi rin naman nila siya sa kapulungan ng bayan, at purihin siya sa upuan ng mga matanda. 33 Kaniyang pinapagiging ilang ang mga ilog, at uhaw na lupa ang mga bukal: 34 Na maalat na ilang ang mainam na lupain, dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon. 35 Kaniyang pinapagiging lawa ng mga tubig ang ilang, at mga bukal ang tuyong lupain. 36 At kaniyang pinatatahan doon ang gutom, upang makapaghanda sila ng bayang tahanan; 37 At maghasik sa mga bukid, at magtanim ng mga ubasan, at magtamo ng mga bunga na pakinabang. 38 Kaniya namang pinagpapala sila, na anopa't sila'y lubhang nagsisidami; at hindi tinitiis na ang kanilang kawan ay magkulang. 39 Muli, sila'y nakulangan at nahapay sa kapighatian, kabagabagan, at kahirapan. 40 Kaniyang ibinubugso ang kadustaan sa mga pangulo, at kaniyang pinagagala sila sa ilang na walang lansangan. 41 Gayon ma'y iniuupo niya sa mataas ang mapagkailangan mula sa kadalamhatian, at ginagawan siya ng mga angkan na parang kawan. 42 Makikita ng matuwid, at matutuwa; at titikumin ng lahat ng kasamaan ang kaniyang bibig. 43 Kung sino ang pantas ay magbulay sa mga bagay na ito, at kanilang magugunita ang mga kagandahang-loob ng Panginoon.
1 O give thanks unto the LORD, for he is good: for his mercy endures forever.2 Let the redeemed of the LORD say so, whom he has redeemed from the hand of the enemy;3 And gathered them out of the lands, from the east, and from the west, from the north, and from the south.4 They wandered in the wilderness in a solitary way; they found no city to dwell in.5 Hungry and thirsty, their soul fainted in them.6 Then they cried unto the LORD in their trouble, and he delivered them out of their distresses.7 And he led them forth by the right way, that they might go to a city of habitation.8 Oh that men would praise the LORD for his goodness, and for his wonderful works to the children of men!9 For he satisfies the longing soul, and fills the hungry soul with goodness.10 Such as sit in darkness and in the shadow of death, being bound in affliction and in irons;11 Because they rebelled against the words of God, and the counsel of the most High:12 Therefore he brought down their heart with labor; they fell down, and there was none to help.13 Then they cried unto the LORD in their trouble, and he saved them out of their distresses.14 He brought them out of darkness and the shadow of death, and broke their bands asunder.15 Oh that men would praise the LORD for his goodness, and for his wonderful works to the children of men!16 For he has broken the gates of bronze, and cut the bars of iron in two.17 Fools because of their transgression, and because of their iniquities, are afflicted.18 Their soul abhors all manner of food; and they draw near unto the gates of death.19 Then they cry unto the LORD in their trouble, and he saves them out of their distresses.20 He sent his word, and healed them, and delivered them from their destructions.21 Oh that men would praise the LORD for his goodness, and for his wonderful works to the children of men!22 And let them sacrifice the sacrifices of thanksgiving, and declare his works with rejoicing.23 They that go down to the sea in ships, that do business on great waters;24 These see the works of the LORD, and his wonders in the deep.25 For he commands, and raises the stormy wind, who lifts up the waves thereof.26 They mount up to the heaven, they go down again to the depths: their soul is melted because of trouble.27 They reel to and fro, and stagger like a drunken man, and are at their wit's end.28 Then they cry unto the LORD in their trouble, and he brings them out of their distresses.29 He makes the storm a calm, so that the waves thereof are still.30 Then are they glad because they are quiet; so he brings them unto their desired haven.31 Oh that men would praise the LORD for his goodness, and for his wonderful works to the children of men!32 Let them exalt him also in the congregation of the people, and praise him in the assembly of the elders.33 He turns rivers into a wilderness, and the water springs into dry ground;34 A fruitful land into barrenness, for the wickedness of them that dwell therein.35 He turns the wilderness into a pool of water, and dry ground into water springs.36 And there he makes the hungry to dwell, that they may prepare a city for habitation;37 And sow the fields, and plant vineyards, which may yield fruits of increase.38 He blesses them also, so that they are multiplied greatly; and permits not their cattle to decrease.39 Again, they are diminished and brought low through oppression, affliction, and sorrow.40 He pours contempt upon princes, and causes them to wander in the wilderness, where there is no way.41 Yet sets he the poor on high from affliction, and makes their families like a flock.42 The righteous shall see it, and rejoice: and all iniquity shall stop its mouth.43 Whoever is wise, and will observe these things, even they shall understand the lovingkindness of the LORD.