1 Maawa ka sa akin, Oh Dios: sapagka't sasakmalin ako ng tao: buong araw ay nangbababag siya na pinipighati ako. 2 Ibig akong sakmalin ng aking mga kaaway buong araw: sapagka't sila'y maraming may kapalaluan na nagsisilaban sa akin. 3 Sa panahong ako'y matakot, aking ilalagak ang aking tiwala sa iyo. 4 Sa Dios (ay pupuri ako ng kaniyang salita), sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, hindi ako matatakot; anong magagawa ng laman sa akin? 5 Buong araw ay binabaligtad nila ang aking mga salita: lahat ng kanilang mga pagiisip ay laban sa akin sa ikasasama. 6 Sila'y nagpipisan, sila'y nagsisipagkubli, kanilang tinatandaan ang aking mga hakbang, gaya ng kanilang pagaabang sa aking kaluluwa. 7 Tatakas ba sila sa pamamagitan ng masama? Sa galit ay ilugmok mo ang mga bayan, Oh Dios. 8 Iyong isinasaysay ang aking mga paggagala: ilagay mo ang aking mga luha sa iyong botelya; wala ba sila sa iyong aklat? 9 Tatalikod nga ang aking mga kaaway sa kaarawan na ako'y tumawag: ito'y nalalaman ko, sapagka't ang Dios ay kakampi ko. 10 Sa Dios (ay pupuri ako ng salita), sa Panginoon (ay pupuri ako ng salita), 11 Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, hindi ako matatakot; anong magagawa ng tao sa akin? 12 Ang iyong mga panata ay sa akin, Oh Dios: ako'y magbabayad ng mga handog na pasalamat sa iyo. 13 Sapagka't iniligtas mo ang aking kaluluwa sa kamatayan: hindi mo ba iniligtas ang aking mga paa sa pagkahulog? upang ako'y makalakad sa harap ng Dios sa liwanag ng buhay.
1 To the Chief Musician upon jonathelemrechokim. A michtam of David, when the Philistines took him to Gath. Be merciful unto me, O God: for man would swallow me up; he fighting daily oppresses me.2 My enemies would daily swallow me up: for they are many that fight against me, O most High.3 Whenever I am afraid, I will trust in you.4 In God, I will praise his word, in God, I have put my trust; I will not fear what flesh can do unto me.5 Every day they twist my words: all their thoughts are against me for evil.6 They gather themselves together, they hide themselves, they mark my steps, when they wait for my soul.7 Shall they escape by iniquity? in your anger cast down the people, O God.8 You number my wanderings: put you my tears into your bottle: are they not in your book?9 When I cry unto you, then shall my enemies turn back: this I know; for God is for me.10 In God will I praise his word: in the LORD will I praise his word.11 In God have I put my trust: I will not be afraid what man can do unto me.12 Your vows are upon me, O God: I will render praises unto you.13 For you have delivered my soul from death: will not you deliver my feet from falling, that I may walk before God in the light of the living?