Publicidade

2 Samuel 7

1 At nangyari nang ang hari ay tumahan sa kaniyang bahay, at binigyan siya ng Panginoon ng kapahingahan sa lahat niyang mga kaaway sa palibot, 2 Na sinabi ng hari kay Nathan na propeta: Tingnan mo ngayon ako'y tumatahan sa isang bahay na sedro, nguni't ang kaban ng Dios ay nanahanan sa loob ng mga tabing. 3 At sinabi ni Nathan sa hari, Yumaon ka, gawin mo ang lahat na nasa iyong puso; sapagka't ang Panginoon ay sumasa iyo. 4 At nangyari, nang gabi ring yaon, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Nathan, na sinasabi, 5 Yumaon ka at saysayin mo sa aking lingkod na kay David, Ganito ang sabi ng Panginoon: Ipagtatayo mo ba ako ng isang bahay na matatahanan? 6 Sapagka't hindi ako tumahan sa isang bahay mula sa araw na aking iahon ang mga anak ni Israel mula sa Egipto, hanggang sa araw na ito, kundi ako'y lumakad sa tolda at sa tabernakulo. 7 Sa lahat ng dako na aking nilakaran na kasama ng lahat ng mga anak ni Israel, nagsalita ba ako ng isang salita sa isa sa mga lipi ng Israel na aking inutusan na maging pastor ng aking bayang Israel, na nagsasabi, Bakit hindi ninyo ipinagtayo ako ng isang bahay na sedro? 8 Ngayon nga'y ganito ang iyong sasabihin sa aking lingkod na kay David, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Kinuha kita mula sa kulungan ng tupa, sa pagsunod sa tupa, upang ikaw ay maging pangulo sa aking bayan, sa Israel: 9 At ako'y suma iyo saan ka man naparoon, at aking inihiwalay ang lahat ng iyong mga kaaway sa harap mo; at gagawin kitang isang dakilang pangalan, gaya ng pangalan ng mga dakila na nasa lupa. 10 At aking tatakdaan ng isang dako ang aking bayan na Israel, at aking itatatag sila, upang sila'y magsitahan sa kanilang sariling dako, at huwag nang mabago pa; ni pipighatiin pa man sila ng mga anak ng kasamaan, na gaya ng una. 11 At gaya mula sa araw na aking halalan ng mga hukom ang aking bayang Israel; at aking papagpapahingahin ka sa lahat ng iyong mga kaaway. Bukod sa rito ay isinaysay ng Panginoon na igagawa ka ng Panginoon ng isang bahay. 12 Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang, aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian. 13 Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man. 14 Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak: kung siya'y gumawa ng kasamaan, aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga anak ng mga tao; 15 Nguni't ang aking kagandahang loob ay hindi mahihiwalay sa kaniya na gaya nang aking pagkaalis niyan kay Saul, na aking inalis sa harap mo. 16 At ang iyong sangbahayan at ang iyong kaharian ay matitiwasay magpakailan man sa harap mo: ang iyong luklukan ay matatatag magpakailan man. 17 Ayon sa lahat ng mga salitang ito, at ayon sa buong pangitaing ito ay gayon sinalita ni Nathan kay David. 18 Nang magkagayo'y ang haring si David ay pumasok, at umupo sa harap ng Panginoon: at kaniyang sinabi, Sino ako, Oh Panginoong Dios, at ano ang aking sangbahayan na ako'y iyong dinala sa ganiyang kalayo? 19 At ito'y munting bagay pa sa iyong paningin, Oh Panginoong Dios; nguni't ikaw ay nagsalita naman ng tungkol sa sangbahayan ng iyong lingkod nang hanggang sa malaong panahong darating; at ito ay ayon sa paraan ng tao, Oh Panginoong Dios! 20 At ano pa ang masasabi ni David sa iyo? sapagka't iyong kilala ang iyong lingkod, Oh Panginoong Dios. 21 Dahil sa iyong salita, at ayon sa iyong sariling puso, iyong ginawa ang buong kadakilaang ito, upang iyong ipakilala sa iyong lingkod. 22 Kaya't ikaw ay dakila, Oh Panginoong Dios: sapagka't walang gaya mo, o may ibang Dios pa bukod sa iyo, ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga pakinig. 23 At anong bansa sa lupa ang gaya ng iyong bayan, gaya ng Israel, na tinubos ng Dios sa kaniyang sarili na pinakabayan, at upang gawin niya sa kaniyang isang pangalan, at upang igawa kayo ng mga dakilang bagay, at ng mga kakilakilabot na mga bagay ang iyong lupain, sa harap ng iyong bayan na iyong tinubos para sa iyo mula sa Egipto, mula sa mga bansa at sa kanilang mga dios? 24 At iyong itinatag sa iyong sarili ang iyong bayang Israel upang maging bayan sa iyo magpakailan man; at ikaw, Panginoon, ay naging kanilang Dios. 25 At ngayon, Oh Panginoong Dios, ang salita na iyong sinalita tungkol sa iyong lingkod, at tungkol sa kaniyang sangbahayan, iyong pagtibayin nawa magpakailan man, at iyong gawin gaya ng iyong sinalita. 26 At dumakila ang iyong pangalan magpakailan man, sa pagsasabi: Ang Panginoon ng mga hukbo ay Dios sa Israel: at ang sangbahayan ng iyong lingkod na si David ay matatag sa harap mo. 27 Sapagka't ikaw, Oh Panginoon ng mga hukbo, ang Dios ng Israel ay napakita ka sa iyong lingkod na iyong sinasabi, Aking ipagtatayo ka ng isang bahay; kaya't nasumpungan ng iyong lingkod sa kaniyang puso na idalangin ang panalanging ito sa iyo. 28 At ngayon, Oh Panginoong Dios, ikaw ay Dios at ang iyong mga salita ay katotohanan, at iyong ipinangako ang mabuting bagay na ito sa iyong lingkod: 29 Ngayon nga'y kalugdan mong pagpalain ang sangbahayan ng iyong lingkod, upang mamalagi magpakailan man sa harap mo: sapagka't ikaw, Oh Panginoong Dios ay nagsalita: at sa pamamagitan ng iyong pagpapala ay maging mapalad nawa ang sangbahayan ng iyong lingkod magpakailan man.

1 And it came to pass, when the king sat in his house, and the LORD had given him rest all around from all his enemies;2 That the king said unto Nathan the prophet, See now, I dwell in a house of cedar, but the ark of God dwells within curtains.3 And Nathan said to the king, Go, do all that is in your heart; for the LORD is with you.4 And it came to pass that night, that the word of the LORD came unto Nathan, saying,5 Go and tell my servant David, Thus says the LORD, Shall you build me a house for me to dwell in?6 For I have not dwelt in any house since the time that I brought up the children of Israel out of Egypt, even to this day, but have moved about in a tent and in a tabernacle.7 In all the places in which I have moved about with all the children of Israel spoke I a word with any of the tribes of Israel, whom I commanded to shepherd my people Israel, saying, Why build you not me a house of cedar?8 Now therefore so shall you say unto my servant David, Thus says the LORD of hosts, I took you from the sheepfold, from following the sheep, to be ruler over my people, over Israel:9 And I was with you wherever you went, and have cut off all your enemies out of your sight, and have made you a great name, like unto the name of the great men that are in the earth.10 Moreover I will appoint a place for my people Israel, and will plant them, that they may dwell in a place of their own, and move no more; neither shall the children of wickedness afflict them any more, as before,11 Since the time that I commanded judges to be over my people Israel, and have caused you to rest from all your enemies. Also the LORD tells you that he will make you a house.12 And when your days be fulfilled, and you shall sleep with your fathers, I will set up your offspring after you, who shall proceed out of your own body, and I will establish his kingdom.13 He shall build a house for my name, and I will establish the throne of his kingdom forever.14 I will be his father, and he shall be my son. If he commits iniquity, I will chasten him with the rod of men, and with the stripes of the children of men:15 But my mercy shall not depart away from him, as I took it from Saul, whom I put away before you.16 And your house and your kingdom shall be established forever before you: your throne shall be established forever.17 According to all these words, and according to all this vision, so did Nathan speak unto David.18 Then went king David in, and sat before the LORD, and he said, Who am I, O Lord GOD? and what is my house, that you have brought me thus far?19 And this was yet a small thing in your sight, O Lord GOD; but you have spoken also of your servant’s house for a great while to come. And is this the manner of man, O Lord GOD?20 And what can David say more unto you? for you, Lord GOD, know your servant.21 For your word’s sake, and according to your own heart, have you done all these great things, to make your servant know them.22 Therefore you are great, O LORD God: for there is none like you, neither is there any God besides you, according to all that we have heard with our ears.23 And what one nation in the earth is like your people, even like Israel, whom God went to redeem for a people to himself, and to make himself a name, and to do for you great things and awesome, for your land, before your people, whom you redeemed to yourself from Egypt, from the nations and their gods?24 For you have confirmed to yourself your people Israel to be a people unto you forever: and you, LORD, have become their God.25 And now, O LORD God, the word that you have spoken concerning your servant, and concerning his house, establish it forever, and do as you have said.26 And let your name be magnified forever, saying, The LORD of hosts is the God over Israel: and let the house of your servant David be established before you.27 For you, O LORD of hosts, God of Israel, have revealed to your servant, saying, I will build you a house: therefore has your servant found in his heart to pray this prayer unto you.28 And now, O Lord GOD, you are that God, and your words are true, and you have promised this goodness unto your servant:29 Therefore now let it please you to bless the house of your servant, that it may continue forever before you: for you, O Lord GOD, have spoken it: and with your blessing let the house of your servant be blessed forever.

Veja também

Publicidade
2 Samuel
Ver todos os capítulos de 2 Samuel
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-