1 At ang galit ng Panginoon ay nagalab uli laban sa Israel, at kaniyang kinilos si David laban sa kanila, na sinabi, Ikaw ay yumaon, iyong bilangin ang Israel at Juda. 2 At sinabi ng hari kay Joab na puno ng hukbo, na kasama niya, Magparoo't parito ka nga sa lahat ng mga lipi ng Israel, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, at bilangin ninyo ang bayan, upang aking maalaman ang kabuoan ng bayan. 3 At sinabi ni Joab sa hari, Ngayo'y dagdagan ng Panginoon mong Dios ang bayan, sa gaano man karami sila, ng makaisang daan pa; at makita ng mga mata ng aking panginoon na hari: nguni't bakit nalulugod ang panginoon ko na hari sa bagay na ito? 4 Gayon ma'y ang salita ng hari ay nanaig laban kay Joab, at laban sa mga puno ng hukbo. At si Joab at ang mga puno ng hukbo ay nagsilabas mula sa harapan ng hari upang bilangin ang bayan ng Israel. 5 At sila'y nagsitawid ng Jordan, at nagsihantong sa Aroer sa dakong kanan ng bayan na nasa gitna ng libis ng Gad, at sa Jazer: 6 Saka sila nagsiparoon sa Galaad, at sa lupain ng Tatimhodsi; at sila'y nagsidating sa Dan-jaan at sa palibot hanggang sa Sidon. 7 At nagsiparoon sa katibayan ng Tiro, at sa lahat ng mga bayan ng mga Heveo, at ng mga Cananeo; at sila'y nagsilabas sa timugan ng Juda, sa Beer-seba. 8 Sa gayon nang sila'y makapagparoo't parito na, sa buong lupain, ay nagsiparoon sila sa Jerusalem sa katapusan ng siyam na buwan at dalawang pung araw. 9 At ibinigay ni Joab sa hari ang bilang ng pagkabilang sa bayan; at mayroon sa Israel na walong daang libo na matapang na lalake na nagsisihawak ng tabak; at ang mga tao sa Juda ay limang daang libong lalake. 10 At ang puso ni David ay sinaktan niya pagkatapos na kaniyang nabilang ang bayan. At sinabi ni David sa Panginoon, Ako'y nagkasala ng malaki sa aking nagawa: nguni't ngayo'y isinasamo ko sa iyo na iyong pawiin ang kasamaan ng iyong lingkod; sapagka't aking ginawa ng buong kamangmangan. 11 At nang bumangon si David sa kinaumagahan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa propeta Gad na tagakita ni David, na sinasabi, 12 Ikaw ay yumaon at salitain mo kay David, Ganito ang sabi ng Panginoon, Pinagpapalagayan kita ng tatlong bagay; pumili ka ng isa sa mga yaon upang aking magawa sa iyo. 13 Sa gayo'y naparoon si Gad kay David, at nagsaysay sa kaniya: at nagsabi sa kaniya, Darating ba sa iyo ang pitong taon na kagutom sa iyong lupain? o tatakas ka bang tatlong buwan sa harap ng iyong mga kaaway samantalang hinahabol ka nila? o magkakaroon ba ng tatlong araw na pagkasalot sa iyong lupain? ngayo'y muniin mo, at dilidilihin mo kung anong kasagutan ang aking ibabalik doon sa nagsugo sa akin. 14 At sinabi ni David kay Gad, Ako'y nasa totoong kagipitan: mahulog tayo ngayon sa kamay ng Panginoon; sapagka't ang kaniyang mga kaawaan ay dakila: at huwag akong mahulog sa kamay ng tao. 15 Sa gayo'y nagsugo ang Panginoon ng salot sa Israel mula sa umaga hanggang sa takdang panahon: at namatay sa bayan mula sa Dan hanggang sa Beer-seba ay pitong pung libong lalake. 16 At nang iunat ng anghel ang kaniyang kamay sa dakong Jerusalem upang gibain ay nagsisi ang Panginoon sa kasamaan, at sinabi sa anghel na lumipol ng bayan, Siya na; ngayo'y itigil mo ang iyong kamay. At ang anghel ng Panginoon ay nasa giikan ni Arauna na Jebuseo. 17 At nagsalita si David sa Panginoon, nang kaniyang makita ang anghel na sumakit sa bayan, at nagsabi, Narito, ako'y nagkasala, at ako'y gumawa ng kalikuan; nguni't ang mga tupang ito, ano ang ginawa? isinasamo ko sa iyo na ang iyong kamay ay maging laban sa akin, at laban sa sangbahayan ng aking ama. 18 At si Gad ay naparoon sa araw na yaon kay David, at nagsabi sa kaniya, Ikaw ay yumaon, magtayo ka ng isang dambana sa Panginoon sa giikan ni Arauna na Jebuseo. 19 At si David ay umahon ayon sa sinabi ni Gad, kung paanong iniutos ng Panginoon. 20 At tumanaw si Arauna, at nakita ang hari, at ang kaniyang mga lingkod na nagsisilapit sa kaniya; at si Arauna ay lumabas at nagpatirapa sa harap ng hari. 21 At sinabi ni Arauna: Bakit ang aking panginoon na hari ay naparito sa kaniyang lingkod? At sinabi ni David, Upang bilhin ang giikan sa iyo, na mapagtayuan ng isang dambana sa Panginoon, upang ang salot ay magtigil sa bayan. 22 At sinabi ni Arauna kay David, Kunin ng aking panginoon na hari, at ihandog kung ano ang inaakala niyang mabuti: narito, ang mga baka na panghandog na susunugin, at ang mga kagamitan sa giikan at ang mga pamatok ng mga baka na pang kahoy: 23 Ang lahat na ito, Oh hari, ibinibigay ni Arauna sa hari. At sinabi ni Arauna sa hari, Tanggapin ka nawa ng Panginoon mong Dios. 24 At sinabi ng hari kay Arauna, Huwag; kundi katotohanang bibilhin ko sa iyo sa halaga: hindi nga ako maghahandog ng mga handog na susunugin sa Panginoon kong Dios na hindi nagkahalaga sa akin ng anoman. Sa gayo'y binili ni David ang giikan at ang mga baka ng limang pung siklong pilak. 25 At nagtayo roon si David ng isang dambana sa Panginoon, at naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan. Sa gayo'y nadalanginan ang Panginoon dahil sa lupain, at ang salot ay tumigil sa Israel.
1 And again the anger of the LORD was kindled against Israel, and he incited David against them to say, Go, number Israel and Judah.2 For the king said to Joab the captain of the host, who was with him, Go now through all the tribes of Israel, from Dan even to Beer-sheba, and number you the people, that I may know the number of the people.3 And Joab said unto the king, Now the LORD your God add unto the people, however many they may be, a hundredfold, and that the eyes of my lord the king may see it: but why does my lord the king delight in this thing?4 Nevertheless the king’s word prevailed against Joab, and against the captains of the army. And Joab and the captains of the army went out from the presence of the king, to number the people of Israel.5 And they passed over Jordan, and encamped in Aroer, on the right side of the city that lies in the midst of the valley of Gad, and toward Jazer:6 Then they came to Gilead, and to the land of Tahtim-hodshi; and they came to Dan-jaan, and around to Sidon,7 And came to the stronghold of Tyre, and to all the cities of the Hivites, and of the Canaanites: and they went out to the south of Judah, even to Beer-sheba.8 So when they had gone through all the land, they came to Jerusalem at the end of nine months and twenty days.9 And Joab gave the sum of the number of the people unto the king: and there were in Israel eight hundred thousand valiant men that drew the sword; and the men of Judah were five hundred thousand men.10 And David’s heart condemned him after he had numbered the people. And David said unto the LORD, I have sinned greatly in what I have done: and now, I beseech you, O LORD, take away the iniquity of your servant; for I have done very foolishly.11 And when David was up in the morning, the word of the LORD came unto the prophet Gad, David’s seer, saying,12 Go and say unto David, Thus says the LORD, I offer you three things; choose you one of them, that I may do it unto you.13 So Gad came to David, and told him, and said unto him, Shall seven years of famine come unto you in your land? or will you flee three months before your enemies, while they pursue you? or shall there be three days’ pestilence in your land? now consider, and see what answer I shall return to him that sent me.14 And David said unto Gad, I am in a great distress: let us fall now into the hand of the LORD; for his mercies are great: and let me not fall into the hand of man.15 So the LORD sent a pestilence upon Israel from the morning even to the time appointed: and there died of the people from Dan even to Beer-sheba seventy thousand men.16 And when the angel stretched out his hand upon Jerusalem to destroy it, the LORD turned from the destruction, and said to the angel that destroyed the people, It is enough: stay now your hand. And the angel of the LORD was by the threshing floor of Araunah the Jebusite.17 And David spoke unto the LORD when he saw the angel that struck the people, and said, Lo, I have sinned, and I have done wickedly: but these sheep, what have they done? let your hand, I pray you, be against me, and against my father’s house.18 And Gad came that day to David, and said unto him, Go up, erect an altar unto the LORD in the threshing floor of Araunah the Jebusite.19 And David, according to the saying of Gad, went up as the LORD commanded.20 And Araunah looked, and saw the king and his servants coming on toward him: and Araunah went out, and bowed himself before the king on his face upon the ground.21 And Araunah said, Why has my lord the king come to his servant? And David said, To buy your threshing floor, to build an altar unto the LORD, that the plague may be stayed from the people.22 And Araunah said unto David, Let my lord the king take and offer up what seems good unto him: behold, here are oxen for burnt sacrifice, and threshing instruments and yokes of the oxen for wood.23 All these things, O King, Araunah gives unto the king. And Araunah said unto the king, The LORD your God accept you.24 And the king said unto Araunah, Nay; but I will surely buy it from you at a price: neither will I offer burnt offerings unto the LORD my God of that which does cost me nothing. So David bought the threshing floor and the oxen for fifty shekels of silver.25 And David built there an altar unto the LORD, and offered burnt offerings and peace offerings. So the LORD heeded supplications for the land, and the plague was stayed from Israel.