1 Iligtas mo ako, Oh Dios; sapagka't ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa. 2 Ako'y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan: ako'y lumulubog sa malalim na tubig, na tinatabunan ako ng agos. 3 Ako'y hapo sa aking daing; ang lalamunan ko'y tuyo: ang mga mata ko'y nangangalumata habang hinihintay ko ang aking Dios. 4 Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo: silang ibig maghiwalay sa akin, na mga kaaway kong may kamalian, ay mga makapangyarihan: akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha. 5 Oh Dios, kilala mo ang kamangmangan ko; at ang mga kasalanan ko'y hindi lihim sa iyo. 6 Huwag mangapahiya dahil sa akin ang nangaghihintay sa iyo, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo: huwag mangalagay sa kasiraang puri dahil sa akin ang nagsisihanap sa iyo, Oh Dios ng Israel. 7 Sapagka't dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan; kahihiyan ay tumakip sa aking mukha. 8 Ako'y naging iba sa aking mga kapatid, at taga ibang lupa sa mga anak ng aking ina. 9 Sapagka't napuspos ako ng sikap sa iyong bahay; at ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin. 10 Pag umiiyak ako at pinarurusahan ko ng pagaayuno ang aking kaluluwa, yao'y pagkaduwahagi sa akin. 11 Nang magsuot ako ng kayong magaspang, ay naging kawikaan ako sa kanila. 12 Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan; at ako ang awit ng mga lango. 13 Nguni't tungkol sa akin, ang dalangin ko'y sa iyo, Oh Panginoon, sa isang kalugodlugod na panahon: Oh Dios, sa karamihan ng iyong kagandahang-loob, 14 Iligtas mo ako sa burak, at huwag mo akong ilubog: maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin, at sa malalim na tubig. 15 Huwag akong tangayin ng baha, ni lamunin man ako ng kalaliman: at huwag takpan ng hukay ang kaniyang bunganga sa akin. 16 Sagutin mo ako, Oh Panginoon; sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti: ayon sa karamihan ng iyong mga malumanay na kaawaan ay bumalik ka sa akin. 17 At huwag mong ikubli ang iyong mukha sa iyong lingkod; sapagka't ako'y nasa kahirapan; sagutin mo akong madali. 18 Lumapit ka sa aking kaluluwa, at tubusin mo: Iligtas mo ako dahil sa aking mga kaaway. 19 Talastas mo ang aking kadustaan, at ang aking kahihiyan, at ang aking kasiraang puri: ang aking mga kaaway, ay pawang nangasa harap mo. 20 Kaduwahagihan ay sumira ng aking puso; at ako'y lipos ng kabigatan ng loob: at ako'y naghintay na may maawa sa akin, nguni't wala; at mga mangaaliw, nguni't wala akong masumpungan. 21 Binigyan naman nila ako ng pagkaing mapait; at sa aking kauhawan ay binigyan nila ako ng suka na mainom. 22 Maging lalang sa harap nila ang kanilang dulang; at maging isang silo kung sila'y nasa kapayapaan. 23 Manglabo ang kanilang mga mata, na sila'y huwag makakita; at papanginigin mong palagi ang kanilang mga balakang. 24 Ibugso mo ang iyong galit sa kanila, at datnan sila ng kabangisan ng iyong galit. 25 Magiba ang tahanan nila; walang tumahan sa kanilang mga tolda. 26 Sapagka't kanilang hinabol siya na iyong sinaktan, at sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan. 27 At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan: at huwag silang masok sa iyong katuwiran. 28 Mapawi sila sa aklat ng buhay, at huwag masulat na kasama ng matuwid. 29 Nguni't ako'y dukha at mapanglaw: sa pamamagitan ng pagliligtas mo, Oh Dios, ay iahon mo nawa ako. 30 Aking pupurihin ng awit ang pangalan ng Dios, at dadakilain ko siya ng pasalamat. 31 At kalulugdan ng Panginoon na higit kay sa isang baka, o sa toro na may mga sungay at mga paa. 32 Nakita ng mga maamo, at nangatuwa: mabuhay ang puso, ninyong nagsisihanap sa Dios. 33 Sapagka't dinidinig ng Panginoon ang mapagkailangan, at hindi hinahamak ang kaniyang mga bilanggo. 34 Purihin siya ng langit at lupa, ng mga dagat, at ng bawa't bagay na gumagalaw roon. 35 Sapagka't ililigtas ng Dios ang Sion, at itatayo ang mga bayan ng Juda; at sila'y magsisitahan doon, at tatangkilikin nila na pinakaari. 36 Mamanahin naman ng binhi ng kaniyang mga lingkod; at silang nagsisiibig ng kaniyang pangalan ay magsisitahan doon.
1 To the Chief Musician upon shoshannim. A Psalm of David. Save me, O God; for the waters have come in unto my soul.2 I sink in deep mire, where there is no standing: I have come into deep waters, where the floods overflow me.3 I am weary from my crying: my throat is dried: my eyes fail while I wait for my God.4 They that hate me without a cause are more than the hairs of my head: they that would destroy me, being my enemies wrongfully, are mighty: then I restored that which I took not away.5 O God, you know my foolishness; and my sins are not hid from you.6 Let not them that wait on you, O Lord GOD of hosts, be ashamed for my sake: let not those that seek you be disgraced for my sake, O God of Israel.7 Because for your sake I have borne reproach; shame has covered my face.8 I have become a stranger unto my brethren, and an alien unto my mother’s children.9 For the zeal of your house has eaten me up; and the reproaches of them that reproached you are fallen upon me.10 When I wept, and chastened my soul with fasting, that was to my reproach.11 I made sackcloth also my garment; and I became a proverb to them.12 They that sit in the gate speak against me; and I was the song of the drunkards.13 But as for me, my prayer is unto you, O LORD, in an acceptable time: O God, in the multitude of your mercy hear me, in the truth of your salvation.14 Deliver me out of the mire, and let me not sink: let me be delivered from them that hate me, and out of the deep waters.15 Let not the floodwater overflow me, neither let the deep swallow me up, and let not the pit shut its mouth upon me.16 Hear me, O LORD; for your lovingkindness is good: turn unto me according to the multitude of your tender mercies.17 And hide not your face from your servant; for I am in trouble: hear me speedily.18 Draw near unto my soul, and redeem it: deliver me because of my enemies.19 You have known my reproach, and my shame, and my dishonor: my adversaries are all before you.20 Reproach has broken my heart; and I am full of heaviness: and I looked for some to take pity, but there was none; and for comforters, but I found none.21 They gave me also gall for my food; and in my thirst they gave me vinegar to drink.22 Let their table become a snare before them: and that which should have been for their welfare, let it become a trap.23 Let their eyes be darkened, that they see not; and make their loins continually to shake.24 Pour out your indignation upon them, and let your wrathful anger take hold of them.25 Let their habitation be desolate; and let none dwell in their tents.26 For they persecute him whom you have smitten; and they talk of the grief of those whom you have wounded.27 Add iniquity unto their iniquity: and let them not come into your righteousness.28 Let them be blotted out of the book of the living, and not be written with the righteous.29 But I am poor and sorrowful: let your salvation, O God, set me up on high.30 I will praise the name of God with a song, and will magnify him with thanksgiving.31 This also shall please the LORD better than an ox or bullock that has horns and hoofs.32 The humble shall see this, and be glad: and your hearts shall live that seek God.33 For the LORD hears the poor, and despises not his prisoners.34 Let the heaven and earth praise him, the seas, and every thing that moves therein.35 For God will save Zion, and will build the cities of Judah: that they may dwell there, and have it in possession.36 The children also of his servants shall inherit it: and they that love his name shall dwell therein.