1 Bakit ka naghahambog sa kasamaan, Oh makapangyarihang tao? Ang kagandahang-loob ng Dios ay palagi. 2 Ang dila mo'y kumakatha ng totoong masama; gaya ng matalas na pangahit, na gumagawang may karayaan. 3 Iniibig mo ang kasamaan ng higit kay sa kabutihan; at ang pagsisinungaling kay sa pagsasalita ng katuwiran. (Selah) 4 Iniibig mo ang lahat na mananakmal na salita, Oh ikaw na magdarayang dila. 5 Ilulugmok ka ring gayon ng Dios magpakailan man, itataas ka niya, at ilalabas ka sa iyong tolda, at bubunutin ka niya sa lupain ng may buhay. (Selah) 6 Makikita naman ng matuwid, at matatakot, at tatawa sa kaniya, na magsasabi, 7 Narito, ito ang tao na hindi ginawang kaniyang katibayan, ang Dios; kundi tumiwala sa kasaganaan ng kaniyang mga kayamanan, at nagpakalakas sa kaniyang kasamaan. 8 Nguni't tungkol sa akin, ay gaya ako ng sariwang punong kahoy ng olibo sa bahay ng Dios: tumitiwala ako sa kagandahang-loob ng Dios magpakailan-kailan man. 9 Ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man, sapagka't iyong ginawa: at ako'y maghihintay sa iyong pangalan sapagka't mabuti, sa harapan ng iyong mga banal.
1 To the Chief Musician, a maschil. A Psalm of David, when Doeg the Edomite came and told Saul, and said unto him, David is come to the house of Ahimelech. Why boast you yourself in evil, O mighty man? the goodness of God endures continually.2 Your tongue devises evil; like a sharp razor, working deceitfully.3 You love evil more than good; and lying rather than to speak righteousness. Selah.4 You love all devouring words, O you deceitful tongue.5 God shall likewise destroy you forever, he shall take you away, and pluck you out of your dwelling place, and root you out of the land of the living. Selah.6 The righteous also shall see, and fear, and shall laugh at him:7 Lo, this is the man that made not God his strength; but trusted in the abundance of his riches, and strengthened himself in his wickedness.8 But I am like a green olive tree in the house of God: I trust in the mercy of God forever and ever.9 I will praise you forever, because you have done it: and I will wait on your name; for it is good before your saints.