1 Oh Panginoon, huwag mo akong sawayin sa iyong pag-iinit: ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob. 2 Sapagka't ang iyong mga pana ay nagsitimo sa akin, at pinipisil akong mainam ng iyong kamay. 3 Walang kagalingan sa aking laman dahil sa iyong pagkagalit; ni may kaginhawahan man sa aking mga buto dahil sa aking kasalanan. 4 Sapagka't ang aking mga kasamaan ay nagsidaan sa ibabaw ng aking ulo: gaya ng isang pasang mabigat ay napakabigat sa akin. 5 Ang aking mga sugat ay mabaho, at putokputok, dahil sa aking kamangmangan. 6 Ako'y nahirapan at ako'y nahukot; ako'y tumatangis buong araw. 7 Sapagka't ang aking mga balakang ay lipos ng hirap; at walang kagalingan sa aking laman. 8 Ako'y nanglalata, at bugbog na mainam: ako'y umangal dahil sa kaba ng aking loob. 9 Panginoon, lahat ng aking nais ay nasa harap mo; at ang aking hibik ay hindi lingid sa iyo. 10 Ang aking loob ay kakabakaba, ang aking kalakasan ay nanglalata: tungkol sa liwanag ng aking mga mata, ay napawi rin ito sa akin. 11 Ang mga mangliligaw at mga kaibigan ko ay nangatayong malayo sa aking paghihirap; at ang aking mga kamaganak ay nakalayo. 12 Sila namang nangaguusig ng aking buhay ay nangaglagay ng mga silo na ukol sa akin; at silang nagsisihanap ng aking ikapapahamak ay nangagsasalita ng mga masasamang bagay, at nangagiisip ng pagdaraya buong araw. 13 Nguni't ako'y gaya ng binging tao, na hindi nakakarinig; at ako'y gaya ng piping tao, na hindi ibinubuka ang kaniyang bibig. 14 Oo, ako'y gaya ng tao na hindi nakakarinig, at sa kaniyang bibig ay walang mga kasawayan. 15 Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon ay umaasa ako: ikaw ay sasagot, Oh Panginoon kong Dios. 16 Sapagka't aking sinabi: Baka ako'y kagalakan nila: pagka ang aking paa ay nadudulas, ay nagsisipagmataas sila laban sa akin. 17 Sapagka't ako'y madali ng mahulog, at ang aking kapanglawan ay laging nasa harap ko. 18 Sapagka't aking ipahahayag ang aking kasamaan; aking ikamamanglaw ang aking kasalanan. 19 Nguni't ang aking mga kaaway ay buhay at malalakas: at silang nangagtatanim sa akin na may kamalian ay dumami. 20 Sila namang nangagbabayad ng kasamaan sa mabuti ay mga kaaway ko, sapagka't aking sinunod ang bagay na mabuti. 21 Huwag mo akong pabayaan, Oh Panginoon: Oh Dios ko, huwag kang lumayo sa akin. 22 Magmadali kang tulungan mo ako, Oh Panginoon na aking kaligtasan.
1 A Psalm of David. To bring to remembrance. O LORD, rebuke me not in your wrath: neither chasten me in your hot displeasure.2 For your arrows stick fast in me, and your hand presses me down.3 There is no soundness in my flesh because of your anger; neither is there any rest in my bones because of my sin.4 For my iniquities are gone over my head: as a heavy burden they are too heavy for me.5 My wounds are foul and are corrupt because of my foolishness.6 I am troubled; I am bowed down greatly; I go mourning all the day long.7 For my loins are filled with a loathsome disease: and there is no soundness in my flesh.8 I am feeble and utterly broken: I have groaned by reason of the turmoil of my heart.9 Lord, all my desire is before you; and my groaning is not hid from you.10 My heart pants, my strength fails me: as for the light of my eyes, it also is gone from me.11 My lovers and my friends stand aloof from my plague; and my kinsmen stand afar off.12 They also that seek after my life lay snares for me: and they that seek my hurt speak mischievous things, and plan deceit all the day long.13 But I, as a deaf man, heard not; and I was as a dumb man that opens not his mouth.14 Thus I was as a man that hears not, and in whose mouth are no reproofs.15 For in you, O LORD, do I hope: you will hear, O Lord my God.16 For I said, Hear me, lest otherwise they should rejoice over me: when my foot slips, they magnify themselves against me.17 For I am ready to fall, and my sorrow is continually before me.18 For I will declare my iniquity; I will be sorry for my sin.19 But my enemies are vigorous, and they are strong: and they that hate me wrongfully are multiplied.20 They also that render evil for good are my adversaries; because I follow the thing that is good.21 Forsake me not, O LORD: O my God, be not far from me.22 Make haste to help me, O Lord my salvation.