Publicidade

Salmos 30

1 Dadakilain kita, Oh Panginoon; sapagka't itinindig mo ako, at hindi mo pinagalak sa akin ang aking mga kaaway. 2 Oh Panginoon kong Dios, dumaing ako sa iyo, at ako'y pinagaling mo. 3 Oh Panginoon, iyong isinampa ang aking kaluluwa mula sa Sheol: iyong iningatan akong buhay, upang huwag akong bumaba sa hukay. 4 Magsiawit kayo ng pagpuri sa Panginoon, Oh kayong mga banal niya, at mangagpasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan. 5 Sapagka't ang kaniyang galit ay sangdali lamang; ang kaniyang paglingap ay habang buhay: pagiyak ay magtatagal ng magdamag, nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan. 6 Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking kaginhawahan: hindi ako makikilos kailan man. 7 Ikaw, Panginoon, sa iyong paglingap ay pinatayo mong matibay ang aking bundok: iyong ikinubli ang iyong mukha; ako'y nabagabag. 8 Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon; at sa Panginoon ay gumawa ako ng pamanhik: 9 Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo, pagka ako'y mababa sa hukay? Pupuri ba sa iyo ang alabok? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan? 10 Iyong dinggin, Oh Panginoon, at maawa ka sa akin: Panginoon, maging saklolo nawa kita. 11 Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis; iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng kasayahan: 12 Upang ang pagluwalhati ko ay umawit na pagpupuri sa iyo at huwag maging tahimik: Oh Panginoon kong Dios, ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man.

1 A Psalm of David. A song at the dedication of the house of David. I will extol you, O LORD; for you have lifted me up, and have not made my foes to rejoice over me.2 O LORD my God, I cried unto you, and you have healed me.3 O LORD, you have brought up my soul from the grave: you have kept me alive, that I should not go down to the pit.4 Sing unto the LORD, O you saints of his, and give thanks at the remembrance of his holiness.5 For his anger endures but for a moment; in his favor is life: weeping may endure for a night, but joy comes in the morning.6 And in my prosperity I said, I shall never be moved.7 LORD, by your favor you have made my mountain to stand strong: you did hide your face, and I was troubled.8 I cried to you, O LORD; and unto the LORD I made supplication.9 What profit is there in my blood, when I go down to the pit? Shall the dust praise you? shall it declare your truth?10 Hear, O LORD, and have mercy upon me: LORD, be my helper.11 You have turned for me my mourning into dancing: you have put off my sackcloth, and girded me with gladness;12 To the end that my glory may sing praise to you, and not be silent. O LORD my God, I will give thanks unto you forever.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-