1 Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan, ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan. 2 Sapagka't sila'y madaling puputuling gaya ng damo, at matutuyong gaya ng sariwang damo. 3 Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti; tumahan ka sa lupain, at gawin mong kumain sa kaniyang pagkatapat. 4 Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso. 5 Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin. 6 At kaniyang palalabasing gaya ng liwanag ang iyong katuwiran, at ang iyong kahatulan ay gaya ng katanghaliang tapat. 7 Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya: huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad, dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha. 8 Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot: huwag kang mabalisa, iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan. 9 Sapagka't ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay: nguni't yaong nagsipaghintay sa Panginoon, ay mangagmamana sila ng lupain. 10 Sapagka't sangdali na lamang, at ang masama ay mawawala na: Oo, iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya'y mawawala na. 11 Nguni't ang maamo ay magmamana ng lupain, at masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan. 12 Ang masama ay kumakatha laban sa ganap, at pinagngangalit sa kaniya ang kaniyang mga ngipin. 13 Tatawanan siya ng Panginoon: sapagka't kaniyang nakikita na ang kaniyang kaarawan ay dumarating. 14 Hinugot ng masama ang tabak, at inihanda ang kanilang busog: upang ilugmok ang dukha at mapagkailangan, upang patayin ang matuwid sa paglakad: 15 Ang kanilang tabak ay masasaksak sa kanilang sariling puso, at ang kanilang busog ay mababali. 16 Mainam ang kaunti na tinatangkilik ng matuwid, kay sa kasaganaan ng maraming masama. 17 Sapagka't ang mga bisig ng masasama ay mangababali: nguni't inaalalayan ng Panginoon ang matuwid. 18 Nalalaman ng Panginoon ang kaarawan ng sakdal: at ang kanilang mana ay magiging sa magpakailan man. 19 Hindi sila mangapapahiya sa panahon ng kasamaan: at sa mga kaarawan ng kagutom ay mangabubusog sila. 20 Nguni't ang masama ay mamamatay, at ang mga kaaway ng Panginoon ay magiging gaya ng taba ng mga kordero: sila'y mangapupugnaw: sa usok mangapupugnaw sila. 21 Ang masama ay humihiram, at hindi nagsasauli: nguni't ang matuwid ay nahahabag, at nagbibigay. 22 Sapagka't ang mga gayong pinagpala ng Panginoon ay mangagmamana ng lupain; at silang sinumpa niya ay mahihiwalay. 23 Ang lakad ng tao ay itinatag ng Panginoon; at siya'y nasasayahan sa kaniyang lakad. 24 Bagaman siya'y mabuwal, hindi siya lubos na mapapahiga: Sapagka't inaalalayan siya ng Panginoon ng kaniyang kamay. 25 Ako'y naging bata, at ngayo'y matanda; gayon ma'y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan, ni ang kaniyang lahi man ay nagpapalimos ng tinapay. 26 Lahat ng araw ay nahahabag, at nagpapahiram; at ang kaniyang lahi ay pinagpapala. 27 Ikaw ay humiwalay sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; at manahan ka magpakailan man. 28 Sapagka't iniibig ng Panginoon ang kahatulan, at hindi pinababayaan ang kaniyang mga banal; sila'y iniingatan magpakailan man: nguni't ang lahi ng masama ay mahihiwalay. 29 Mamanahin ng matuwid ang lupain, at tatahan doon magpakailan man. 30 Ang bibig ng matuwid ay nangungusap ng karunungan, at ang kaniyang dila ay nagsasalita ng kahatulan. 31 Ang kautusan ng kaniyang Dios ay nasa kaniyang puso, walang madudulas sa kaniyang mga hakbang. 32 Inaabatan ng masama ang matuwid, at pinagsisikapang patayin niya siya. 33 Hindi siya iiwan ng Panginoon sa kaniyang kamay, ni parurusahan man siya pagka siya'y nahatulan. 34 Hintayin mo ang Panginoon, at ingatan mo ang kaniyang daan, at ibubunyi ka upang manahin mo ang lupain: pagka nahiwalay ang masama, iyong makikita. 35 Aking nakita ang masama sa malaking kapangyarihan, at lumalaganap na gaya ng sariwang punong kahoy sa kaniyang lupang tinubuan. 36 Nguni't may dumaan at, narito, wala na siya: Oo, hinanap ko siya, nguni't hindi siya masumpungan. 37 Tandaan mo ang sakdal na tao, at masdan mo ang matuwid: sapagka't may isang maligayang wakas sa taong may kapayapaan. 38 Tungkol sa mga mananalangsang, mangalilipol silang magkakasama: ang huling wakas ng masama ay mahihiwalay. 39 Nguni't ang kaligtasan ng matuwid ay sa Panginoon: siya'y ang kanilang kuta sa panahon ng kabagabagan. 40 At sila'y tinutulungan ng Panginoon, at sinasagip sila: sinasagip niya sila sa masama, at inililigtas sila. Sapagka't sila'y nagsipagkanlong sa kaniya.
1 A Psalm of David. Fret not yourself because of evildoers, neither be you envious of the workers of iniquity.2 For they shall soon be cut down like the grass, and wither as the green herb.3 Trust in the LORD, and do good; so shall you dwell in the land, and verily you shall be fed.4 Delight yourself also in the LORD; and he shall give you the desires of your heart.5 Commit your way unto the LORD; trust also in him; and he shall bring it to pass.6 And he shall bring forth your righteousness as the light, and your justice as the noonday.7 Rest in the LORD, and wait patiently for him: fret not yourself because of him who prospers in his way, because of the man who brings wicked devices to pass.8 Cease from anger, and forsake wrath: fret not yourself in any way to do evil.9 For evildoers shall be cut off: but those that wait upon the LORD, they shall inherit the earth.10 For yet a little while, and the wicked shall not be: yea, you shall diligently consider his place, and it shall not be.11 But the meek shall inherit the earth; and shall delight themselves in the abundance of peace.12 The wicked plots against the just, and gnashes upon him with his teeth.13 The Lord shall laugh at him: for he sees that his day is coming.14 The wicked have drawn out the sword, and have bent their bow, to cast down the poor and needy, and to slay such as be of upright behavior.15 Their sword shall enter into their own heart, and their bows shall be broken.16 A little that a righteous man has is better than the riches of many wicked.17 For the arms of the wicked shall be broken: but the LORD upholds the righteous.18 The LORD knows the days of the upright: and their inheritance shall be forever.19 They shall not be ashamed in the evil time: and in the days of famine they shall be satisfied.20 But the wicked shall perish, and the enemies of the LORD shall be as the fat of lambs: they shall vanish; into smoke shall they vanish away.21 The wicked borrows, and pays not again: but the righteous shows mercy, and gives.22 For such as be blessed of him shall inherit the earth; and they that be cursed of him shall be cut off.23 The steps of a good man are ordered by the LORD: and he delights in his way.24 Though he falls, he shall not be utterly cast down: for the LORD upholds him with his hand.25 I have been young, and now am old; yet have I not seen the righteous forsaken, nor his offspring begging bread.26 He is ever merciful, and lends; and his descendants are blessed.27 Depart from evil, and do good; and dwell forevermore.28 For the LORD loves justice, and forsakes not his saints; they are preserved forever: but the descendants of the wicked shall be cut off.29 The righteous shall inherit the land, and dwell therein forever.30 The mouth of the righteous speaks wisdom, and his tongue talks of justice.31 The law of his God is in his heart; none of his steps shall slide.32 The wicked watches the righteous, and seeks to slay him.33 The LORD will not leave him in his hand, nor condemn him when he is judged.34 Wait on the LORD, and keep his way, and he shall exalt you to inherit the land: when the wicked are cut off, you shall see it.35 I have seen the wicked in great power, and spreading himself like a green bay tree.36 Yet he passed away, and, lo, he was not: yea, I sought him, but he could not be found.37 Mark the perfect man, and behold the upright: for the end of that man is peace.38 But the transgressors shall be destroyed together: the end of the wicked shall be cut off.39 But the salvation of the righteous is of the LORD: he is their strength in the time of trouble.40 And the LORD shall help them, and deliver them: he shall deliver them from the wicked, and save them, because they trust in him.