Publicidade

Salmos 143

1 Dinggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon; pakinggan mo ang aking mga pamanhik: sa iyong pagtatapat ay sagutin mo ako, at sa iyong katuwiran. 2 At huwag kang masok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod; sapagka't sa iyong paningin ay walang taong may buhay na aariing ganap. 3 Sapagka't pinagusig ng kaaway ang kaluluwa ko; kaniyang sinaktan ang aking buhay ng lugmok sa lupa: kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, gaya ng mga namatay nang malaon. 4 Kaya't ang aking diwa ay nanglulupaypay sa loob ko; ang puso ko sa loob ko ay bagbag. 5 Aking naaalaala ang mga araw ng una; aking ginugunita ang lahat mong mga gawa: aking binubulay ang gawa ng iyong mga kamay. 6 Iginawad ko ang aking mga kamay sa iyo: ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo, na parang uhaw na lupain. (Selah) 7 Magmadali kang sagutin mo ako, Oh Panginoon; ang diwa ko'y nanglulupaypay: huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin; baka ako'y maging gaya nila na nagsibaba sa hukay. 8 Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan; sapagka't sa iyo ako tumitiwala: ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran; sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo. 9 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa aking mga kaaway: tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako. 10 Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban; sapagka't ikaw ay aking Dios: ang iyong Espiritu ay mabuti; patnubayan mo ako sa lupain ng katuwiran. 11 Buhayin mo ako, Oh Panginoon, dahil sa iyong pangalan: sa iyong katuwiran ay ilabas mo ang aking kaluluwa sa kabagabagan, 12 At sa iyong kagandahang-loob ay ihiwalay mo ang aking mga kaaway, at lipulin mo ang lahat na nagsisidalamhati sa aking kaluluwa; sapagka't ako'y iyong lingkod.

1 A Psalm of David. Hear my prayer, O LORD, give ear to my supplications: in your faithfulness answer me, and in your righteousness.2 And enter not into judgment with your servant: for in your sight shall no man living be justified.3 For the enemy has persecuted my soul; he has smitten my life down to the ground; he has made me to dwell in darkness, as those that have been long dead.4 Therefore is my spirit overwhelmed within me; my heart within me is desolate.5 I remember the days of old; I meditate on all your works; I ponder on the work of your hands.6 I stretch forth my hands unto you: my soul thirsts after you, as a thirsty land. Selah.7 Hear me speedily, O LORD: my spirit fails: hide not your face from me, lest I be like unto them that go down into the pit.8 Cause me to hear your lovingkindness in the morning; for in you do I trust: cause me to know the way in which I should walk; for I lift up my soul unto you.9 Deliver me, O LORD, from my enemies: I flee unto you to hide me.10 Teach me to do your will; for you are my God: your Spirit is good; lead me into the land of uprightness.11 Revive me, O LORD, for your name's sake: for your righteousness' sake bring my soul out of trouble.12 And in your mercy cut off my enemies, and destroy all them that afflict my soul: for I am your servant.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-