1 Aking iniibig ang Panginoon, sapagka't kaniyang dininig ang aking tinig at aking mga hiling. 2 Sapagka't kaniyang ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin, kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay. 3 Ang tali ng kamatayan ay pumulupot sa akin, at ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin: aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan. 4 Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon; Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa. 5 Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid; Oo, ang Dios namin ay maawain. 6 Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob: ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako. 7 Bumalik ka sa iyong kapahingahan, Oh kaluluwa ko; sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon. 8 Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan, at ang mga mata ko sa mga luha, at ang mga paa ko sa pagkabuwal. 9 Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon, sa lupain ng mga buhay. 10 Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita: ako'y lubhang nagdalamhati: 11 Aking sinabi sa aking pagmamadali, lahat ng tao ay bulaan. 12 Ano ang aking ibabayad sa Panginoon dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin? 13 Aking kukunin ang saro ng kaligtasan, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon. 14 Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan. 15 Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kaniyang mga banal. 16 Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod; ako'y iyong lingkod, na anak ng iyong lingkod na babae; iyong kinalag ang aking mga tali. 17 Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon. 18 Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan; 19 Sa mga looban ng bahay ng Panginoon, sa gitna mo, Oh Jerusalem. Purihin ninyo ang Panginoon.
1 I love the LORD, because he has heard my voice and my supplications.2 Because he has inclined his ear unto me, therefore will I call upon him as long as I live.3 The sorrows of death surrounded me, and the pangs of sheol got hold upon me: I found trouble and sorrow.4 Then called I upon the name of the LORD; O LORD, I beseech you, deliver my soul.5 Gracious is the LORD, and righteous; yea, our God is merciful.6 The LORD preserves the simple: I was brought low, and he helped me.7 Return unto your rest, O my soul; for the LORD has dealt bountifully with you.8 For you have delivered my soul from death, my eyes from tears, and my feet from falling.9 I will walk before the LORD in the land of the living.10 I believed, therefore have I spoken: I was greatly afflicted:11 I said in my haste, All men are liars.12 What shall I render unto the LORD for all his benefits toward me?13 I will take the cup of salvation, and call upon the name of the LORD.14 I will pay my vows unto the LORD now in the presence of all his people.15 Precious in the sight of the LORD is the death of his saints.16 O LORD, truly I am your servant; I am your servant, and the son of your handmaid: you have loosed my bonds.17 I will offer to you the sacrifice of thanksgiving, and will call upon the name of the LORD.18 I will pay my vows unto the LORD now in the presence of all his people,19 In the courts of the LORD's house, in the midst of you, O Jerusalem. Praise you the LORD.