1 Dinggin ninyo ito, ninyong lahat na mga bayan; pakinggan ninyo, ninyong lahat na nananahan sa daigdig: 2 Ng mababa at gayon din ng mataas, ng mayaman at ng dukha na magkasama. 3 Ang aking bibig ay magsasalita ng karunungan; at ang pagbubulay ng aking puso ay magiging sa pagunawa. 4 Ikikiling ko ang aking panig sa talinghaga: ibubuka ko ang aking malabong sabi sa alpa. 5 Bakit ako matatakot sa mga kaarawan ng kasamaan, pagka kinukulong ako ng kasamaan sa aking mga sakong? 6 Silang nagsisitiwala sa kanilang kayamanan, at nangaghahambog sa karamihan ng kanilang mga kayamanan; 7 Wala sa kaniyang makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid, ni magbibigay man sa Dios ng pangtubos sa kaniya: 8 (Sapagka't ang katubusan ng kanilang kaluluwa ay mahal, at ito'y naglilikat magpakailan man:) 9 Upang siya'y mabuhay na lagi, upang siya'y huwag makakita ng kabulukan. 10 Sapagka't nakikita niya na ang mga pantas ay nangamamatay, ang mangmang at gayon din ang hangal ay nililipol, at iniiwanan ang kanilang kayamanan sa mga iba. 11 Ang kanilang pagiisip sa loob ay, na ang kanilang mga bahay ay mananatili magpakailan man, at ang kanilang mga tahanang dako ay sa lahat ng sali't saling lahi; tinatawag nila ang kanilang mga lupain ayon sa kanilang sariling mga pangalan. 12 Nguni't ang tao'y hindi lalagi sa karangalan: siya'y gaya ng mga hayop na nangamamatay. 13 Itong kanilang lakad ay kanilang kamangmangan: gayon ma'y pagkatapos nila ay sinasangayunan ng mga tao ang kanilang mga kasabihan. (Selah) 14 Sila'y nangatakda sa Sheol na parang kawan; kamatayan ay magiging pastor sa kanila: at ang matuwid ay magtataglay ng kapangyarihan sa kanila sa kinaumagahan; at ang kanilang kagandahan ay mapapasa Sheol upang matunaw, upang mawalan ng tahanan. 15 Nguni't tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol: sapagka't tatanggapin niya ako. (Selah) 16 Huwag kang matakot pagka may yumaman. Pagka ang kaluwalhatian ng kaniyang bahay ay lumago: 17 Sapagka't pagka siya'y namatay ay wala siyang dadalhin; ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang susunod sa kaniya. 18 Bagaman habang siya'y nabuhay ay kaniyang pinagpala ang kaniyang kaluluwa, (at pinupuri ka ng mga tao pagka gumagawa ka ng mabuti sa iyong sarili), 19 Siya'y paroroon sa lahi ng kaniyang mga magulang; hindi sila makakakita kailan man ng liwanag. 20 Taong nasa karangalan, at hindi nakakaunawa, ay gaya ng mga hayop na namamatay.
1 To the Chief Musician. A Psalm of the sons of Korah. Hear this, all you people; give ear, all you inhabitants of the world:2 Both low and high, rich and poor, together.3 My mouth shall speak of wisdom; and the meditation of my heart shall be of understanding.4 I will incline my ear to a proverb: I will disclose my riddles upon the harp.5 Why should I fear in the days of evil, when the iniquity at my heels shall surround me?6 They that trust in their wealth, and boast themselves in the multitude of their riches;7 None of them can by any means redeem his brother, nor give to God a ransom for him:8 (For the redemption of their soul is precious, and it ceases forever:)9 That he should still live forever, and not see corruption.10 For he sees that wise men die, likewise the fool and the senseless person perish, and leave their wealth to others.11 Their inward thought is, that their houses shall continue forever, and their dwelling places to all generations; they call their lands after their own names.12 Nevertheless man being in honor abides not: he is like the beasts that perish.13 This their way is their folly: yet their posterity approve their sayings. Selah.14 Like sheep they are laid in the grave; death shall feed on them; and the upright shall have dominion over them in the morning; and their beauty shall consume in the grave from their dwelling.15 But God will redeem my soul from the power of the grave: for he shall receive me. Selah.16 Be not afraid when one is made rich, when the glory of his house is increased;17 For when he dies he shall carry nothing away: his glory shall not descend after him.18 Though while he lived he blessed his soul: and men will praise you, when you do well for yourself.19 He shall go to the generation of his fathers; they shall never see light.20 Man that is in honor, and understands not, is like the beasts that perish.