1 Ang Panginoon ay naghahari: manginig ang mga bayan. Siya'y nauupo sa mga querubin; makilos ang lupa. 2 Ang Panginoon ay dakila sa Sion; at siya'y mataas na higit sa lahat ng mga bayan. 3 Purihin nila ang iyong dakila at kakilakilabot na pangalan: siya'y banal. 4 Ang lakas naman ng hari ay umiibig ng kahatulan; ikaw ay nagtatatag ng karampatan, ikaw ay nagsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa Jacob. 5 Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios, at magsisamba kayo sa harap ng kaniyang tungtungan; siya'y banal. 6 Si Moises at si Aaron sa gitna ng kaniyang mga saserdote, at si Samuel sa kanila na nagsisitawag sa kaniyang pangalan; sila'y nagsisitawag sa Panginoon, at siya'y sumasagot sa kanila. 7 Siya'y nagsasalita sa kanila sa haliging ulap: kanilang iniingatan ang kaniyang mga patotoo, at ang palatuntunan na ibinigay niya sa kanila. 8 Sumagot ka sa kanila, Oh Panginoon naming Dios; ikaw ay Dios na nagpatawad sa kanila, bagaman nanghiganti ka sa kanilang mga gawa. 9 Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios, at magsisamba kayo sa kaniyang banal na bundok; sapagka't ang Panginoon nating Dios ay banal.
1 The LORD reigns; let the people tremble: he sits between the cherubim; let the earth be moved.2 The LORD is great in Zion; and he is high above all the people.3 Let them praise your great and awesome name; for it is holy.4 The king's strength also loves justice; you do establish equity, you execute justice and righteousness in Jacob.5 Exalt you the LORD our God, and worship at his footstool; for he is holy.6 Moses and Aaron among his priests, and Samuel among them that call upon his name; they called upon the LORD, and he answered them.7 He spoke unto them in the pillar of cloud: they kept his testimonies, and the ordinance that he gave them.8 You answered them, O LORD our God: you were a God that forgave them, though you took vengeance on their wrongdoings.9 Exalt the LORD our God, and worship at his holy hill; for the LORD our God is holy.