1 Sa iyo, Oh Panginoon, iginagawad ko ang aking kaluluwa. 2 Oh Dios ko sa iyo'y tumiwala ako, huwag nawa akong mapahiya; huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway. 3 Oo, walang naghihintay sa iyo na mapapahiya; sila'y mangapapahiya na nagsisigawa ng karayaan ng walang kadahilanan, 4 Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon; ituro mo sa akin ang iyong mga landas. 5 Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin; sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan; sa iyo'y naghihintay ako buong araw. 6 Iyong alalahanin, Oh Panginoon, ang iyong malumanay na mga kaawaan, at ang iyong mga kagandahang-loob; sapagka't magpakailan man mula ng una. 7 Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsalangsang: ayon sa iyong kagandahang-loob ay alalahanin mo ako, dahil sa iyong kabutihan, Oh Panginoon. 8 Mabuti at matuwid ang Panginoon: kaya't tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan. 9 Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan: at ituturo niya sa maamo ang daan niya. 10 Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo. 11 Dahil sa iyong pangalan, Oh Panginoon, iyong ipatawad ang aking kasamaan, sapagka't malaki. 12 Anong tao siya na natatakot sa Panginoon? Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin. 13 Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan; at mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain. 14 Ang pakikipagibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa kaniya; at ipakikilala niya sa kanila ang kaniyang tipan. 15 Ang aking mga mata ay palaging na sa Panginoon; sapagka't huhugutin niya ang aking mga paa sa silo. 16 Panumbalikan mo ako, at maawa ka sa akin; sapagka't ako'y nag-iisa at nagdadalamhati. 17 Ang kabagabagan ng aking puso ay lumaki: Oh hanguin mo ako sa aking kapanglawan. 18 Gunitain mo ang aking pagkapighati at aking damdam; at ipatawad mo ang lahat kong mga kasalanan. 19 Masdan mo ang aking mga kaaway, sapagka't sila'y marami; at pinagtataniman nila ako ng mabagsik na pagkagalit. 20 Oh ingatan mo ang aking kaluluwa, at iyong iligtas ako: huwag nawa akong mapahiya, sapagka't nanganganlong ako sa iyo. 21 Magingat sa akin ang pagtatapat at katuwiran, sapagka't hinihintay kita. 22 Tubusin mo ang Israel, Oh Dios, mula sa lahat na kaniyang kabagabagan.
1 A Psalm of David. Unto you, O LORD, do I lift up my soul.2 O my God, I trust in you: let me not be ashamed, let not my enemies triumph over me.3 Yea, let none that wait on you be ashamed: let them be ashamed who transgress without cause.4 Show me your ways, O LORD; teach me your paths.5 Lead me in your truth, and teach me: for you are the God of my salvation; on you do I wait all the day.6 Remember, O LORD, your tender mercies and your lovingkindnesses; for they have been ever of old.7 Remember not the sins of my youth, nor my transgressions: according to your mercy remember me for your goodness' sake, O LORD.8 Good and upright is the LORD: therefore will he teach sinners in the way.9 The meek will he guide in justice: and the meek will he teach his way.10 All the paths of the LORD are mercy and truth unto such as keep his covenant and his testimonies.11 For your name's sake, O LORD, pardon my iniquity; for it is great.12 What man is he that fears the LORD? him shall he teach in the way that he shall choose.13 His soul shall dwell at ease; and his descendants shall inherit the earth.14 The secret of the LORD is with them that fear him; and he will show them his covenant.15 My eyes are ever toward the LORD; for he shall pluck my feet out of the net.16 Turn you unto me, and have mercy upon me; for I am desolate and afflicted.17 The troubles of my heart are enlarged: O bring me out of my distresses.18 Look upon my affliction and my pain; and forgive all my sins.19 Consider my enemies; for they are many; and they hate me with cruel hatred.20 O keep my soul, and deliver me: let me not be ashamed; for I put my trust in you.21 Let integrity and uprightness preserve me; for I wait on you.22 Redeem Israel, O God, out of all his troubles.