1 Ang mga Filisteo nga ay lumaban sa Israel: at ang mga lalake sa Israel ay tumakas sa harap ng mga Filisteo, at nangabuwal na patay sa bundok ng Gilboa. 2 At hinabol ng panunod ng mga Filisteo si Saul at ang kaniyang mga anak; at pinatay ng mga Filisteo si Jonathan, at si Abinadab, at si Melchisua, na mga anak ni Saul. 3 At ang pagbabaka ay lumubha laban kay Saul, at inabutan siya ng mga mamamana; at siya'y totoong nahirapan dahil sa mga mamamana. 4 Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang tagadala ng sandata, Bunutin mo ang iyong tabak at palagpasan mo ako niyaon; baka dumating ang mga hindi tuling ito at ako'y palagpasan, at ako'y kanilang pahirapan. Nguni't ayaw ang kaniyang tagadala ng sandata; sapagka't siya'y totoong natakot. Kaya't kinuha ni Saul ang kaniyang tabak, at nagpakabuwal sa kaniyang tabak. 5 At nang makita ng kaniyang tagadala ng sandata na si Saul ay patay, siya naman ay nagpakabuwal sa kaniyang tabak, at nagpakamatay na kasama niya. 6 Gayon namatay si Saul, at ang kaniyang tatlong anak, at ang kaniyang tagadala ng sandata, at ang lahat niyang mga lalake nang araw na yaon na magkakasama. 7 At nang makita ng mga lalake sa Israel na nasa kabilang dako ng libis, at ng mga nasa dako roon ng Jordan, na ang mga lalake sa Israel ay tumakas, at si Saul at ang kaniyang mga anak ay namatay, kanilang iniwan ang mga bayan, at nagsitakas; at naparoon ang mga Filisteo, at tumahan sa mga yaon. 8 At nangyari nang kinabukasan nang ang mga Filisteo ay dumating upang hubaran ang mga patay, ay kanilang nasumpungan si Saul at ang kaniyang tatlong anak na nabuwal sa bundok ng Gilboa. 9 At kanilang pinugot ang kaniyang ulo, at hinubad ang kaniyang mga sakbat, at ipinadala sa lupain ng mga Filisteo sa palibot upang ibalita sa mga bahay ng kanilang mga diosdiosan at sa bayan. 10 At kanilang inilagay ang kaniyang sakbat, sa bahay ni Astaroth: at kanilang ibinitin ang bangkay niya sa kuta ng Beth-san. 11 At nang mabalitaan ng mga tumatahan sa Jabes-galaad ang tungkol sa ginawa ng mga Filisteo kay Saul, 12 Lahat ng matapang na lalake ay bumangon at nagsilakad sa buong gabi at kinuha ang bangkay ni Saul at ang mga bangkay ng kaniyang mga anak sa kuta ng Beth-san; at sila'y naparoon sa Jabes, at kanilang pinagsunog doon. 13 At kanilang kinuha ang kanilang mga buto at ibinaon sa ilalim ng isang puno ng tamarisko sa Jabes, at nagayuno silang pitong araw.
1 Now the Philistines fought against Israel: and the men of Israel fled from before the Philistines, and fell down slain in mount Gilboa.2 And the Philistines followed close upon Saul and upon his sons; and the Philistines slew Jonathan, and Abinadab, and Malchishua, Saul's sons.3 And the battle went hard against Saul, and the archers hit him; and he was severely wounded of the archers.4 Then said Saul unto his armorbearer, Draw your sword, and thrust me through with it; lest these uncircumcised come and thrust me through, and abuse me. But his armorbearer would not; for he was greatly afraid. Therefore Saul took a sword, and fell upon it.5 And when his armorbearer saw that Saul was dead, he fell likewise upon his sword, and died with him.6 So Saul died, and his three sons, and his armorbearer, and all his men, that same day together.7 And when the men of Israel that were on the other side of the valley, and they that were on the other side of Jordan, saw that the men of Israel fled, and that Saul and his sons were dead, they forsook the cities, and fled; and the Philistines came and dwelt in them.8 And it came to pass the next day, when the Philistines came to strip the slain, that they found Saul and his three sons fallen in mount Gilboa.9 And they cut off his head, and stripped off his armor, and sent into the land of the Philistines round about, to proclaim it in the house of their idols, and among the people.10 And they put his armor in the house of Ashtaroth: and they fastened his body to the wall of Bethshan.11 And when the inhabitants of Jabeshgilead heard of that which the Philistines had done to Saul;12 All the valiant men arose, and went all night, and took the body of Saul and the bodies of his sons from the wall of Bethshan, and came to Jabesh, and burnt them there.13 And they took their bones, and buried them under a tree at Jabesh, and fasted seven days.