Publicidade

1 Samuel 6

1 At ang kaban ng Panginoon ay napasa lupain ng mga Filisteo na pitong buwan. 2 At tinawag ng mga Filisteo ang mga saserdote at ang mga manghuhula, na sinasabi, Anong aming gagawin sa kaban ng Panginoon? Ipatalastas ninyo sa amin kung aming ipadadala sa kaniyang dako. 3 At kanilang sinabi, Kung inyong ipadadala ang kaban ng Dios ng Israel, ay huwag ninyong ipadalang walang laman; kundi sa ano pa man ay inyong ibalik siya na may handog ng dahil sa pagkakasala: kung magkagayo'y gagaling kayo, at malalaman ninyo kung bakit ang kaniyang kamay ay hindi humiwalay sa inyo. 4 Nang magkagayo'y kanilang sinabi, Ano ang handog dahil sa pagkakasala na aming igaganti sa kaniya? At kanilang sinabi, Limang gintong bukol, at limang gintong daga ayon sa bilang ng mga pangulo ng mga Filisteo; sapagka't iisang salot ang napasa inyong lahat, at napasa inyong mga pangulo. 5 Kaya't kayo'y gagawa ng mga larawan ng inyong mga bukol, at mga larawan ng inyong mga daga na sumira ng lupain, at inyong bibigyan ng kaluwalhatian ang Dios ng Israel: baka sakaling kaniyang gaanan ang kaniyang kamay sa inyo, at sa inyong mga dios, at sa inyong lupain. 6 Bakit nga ninyo pinapagmamatigas ang inyong puso, na gaya ng mga taga Egipto at ni Faraon na pinapagmatigas ang kanilang puso? Nang siya'y makagawa ng kahangahanga sa kanila, di ba nila pinayaon ang bayan, at sila'y yumaon? 7 Ngayon nga'y kumuha kayo at maghanda kayo ng isang bagong karo, at dalawang bagong bakang gatasan, na hindi napatungan ng pamatok; at ikabit ninyo ang mga baka sa karo, at iuwi ninyo ang kanilang mga guya. 8 At kunin ninyo ang kaban ng Panginoon, at isilid ninyo sa karo; at isilid ninyo sa isang kahang nasa tabi niyaon ang mga hiyas na ginto na inyong ibabalik sa kaniya na pinakahandog dahil sa pagkakasala; at inyong ipadala upang yumaon. 9 At tingnan ninyo; kung umahon sa daan ng kaniyang sariling hangganan sa Beth-semes, ginawa nga niya sa atin ang malaking kasamaang ito: nguni't kung hindi, malalaman nga natin na hindi kaniyang kamay ang nanakit sa atin; isang pagkakataong nangyari sa atin. 10 At ginawang gayon ng mga lalake, at kumuha ng dalawang bagong bakang gatasan, at mga ikinabit sa karo, at kinulong ang kanilang mga guya sa bahay: 11 At kanilang inilagay ang kaban ng Panginoon sa karo, at ang kaha na may mga dagang ginto at mga larawan ng kanilang mga bukol. 12 At tinuwid ng mga baka ang daan sa Beth-semes; sila'y nagpatuloy sa lansangan, na umuungal habang yumayaon, at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa; at ang mga pangulo ng mga Filisteo ay sumunod sa kanila hanggang sa hangganan ng Beth-semes. 13 At silang mga Beth-semita ay umaani ng kanilang trigo sa libis: at kanilang itiningin ang kanilang mga mata, at nakita ang kaban, at nangagalak sa pagkakita niyaon. 14 At ang karo ay pumasok sa bukid ni Josue na Beth-semita, at tumayo roon, sa kinaroroonan ng isang malaking bato: at kanilang biniyak ang kahoy ng karo, at inihandog sa Panginoon ang mga baka na pinakahandog na susunugin. 15 At ibinaba ng mga Levita ang kaban ng Panginoon, at ang kaha na kasama niyaon, na may silid na mga hiyas na ginto, at mga ipinatong sa malaking bato at ang mga lalake sa Beth-semes ay naghandog ng mga handog na susunugin at naghain ng mga hain ng araw ding yaon sa Panginoon. 16 At nang makita ng limang pangulo ng mga Filisteo, ay bumalik sa Ecron nang araw ding yaon. 17 At ito ang mga bukol na ginto na ibinalik ng mga Filisteo sa Panginoon na pinakahandog dahil sa pagkakasala: sa Asdod ay isa, sa Gaza ay isa, sa Ascalon ay isa, sa Gath ay isa, sa Ecron ay isa; 18 At ang mga dagang ginto, ayon sa bilang ng lahat ng mga bayan ng mga Filisteo na nauukol sa limang pangulo, ng mga bayan na nakukutaan at gayon din ng mga nayon sa parang; sa makatuwid baga'y hanggang sa malaking bato na kanilang pinagbabaan ng kaban ng Panginoon, na ang batong yaon ay namamalagi hanggang sa araw na ito sa bukid ni Josue na Beth-semita. 19 At sumakit ang Dios sa mga tao sa Beth-semes, sapagka't kanilang tiningnan ang loob ng kaban ng Panginoon, sa makatuwid baga'y pumatay siya sa bayan ng pitong pung lalake at limang pung libong tao. At ang bayan ay nanaghoy, sapagka't sinaktan ng Panginoon ang bayan ng di kawasang pagpatay. 20 At ang mga lalake sa Beth-semes ay nagsabi, Sino ang makatatayo sa harap ng Panginoon, dito sa banal na Dios? at sino ang kaniyang sasampahin mula sa atin? 21 At sila'y nagsugo ng mga sugo sa mga tumatahan sa Chiriath-jearim, na nagsasabi, Ibinalik ng mga Filisteo ang kaban ng Panginoon; kayo'y magsilusong at iahon ninyo sa inyo.

1 And the ark of the LORD was in the country of the Philistines seven months.2 And the Philistines called for the priests and the diviners, saying, What shall we do to the ark of the LORD? tell us how we shall send it to its place.3 And they said, If you send away the ark of the God of Israel, send it not empty; but by all means return him a trespass offering: then you shall be healed, and it shall be known to you why his hand is not removed from you.4 Then said they, What shall be the trespass offering which we shall return to him? They answered, Five golden tumors, and five golden mice, according to the number of the lords of the Philistines: for one plague was on you all, and on your lords.5 Therefore you shall make images of your tumors, and images of your mice that mar the land; and you shall give glory unto the God of Israel: perhaps he will lighten his hand from off you, and from off your gods, and from off your land.6 Why then do you harden your hearts, as the Egyptians and Pharaoh hardened their hearts? when he had worked wonderfully among them, did they not let the people go, and they departed?7 Now therefore make a new cart, and take two milk cows, on which there has come no yoke, and tie the cows to the cart, and bring their calves home from them:8 And take the ark of the LORD, and lay it upon the cart; and put the jewels of gold, which you return to him for a trespass offering, in a box by the side of it; and send it away, that it may go.9 And see, if it goes up by the way of its own land to Bethshemesh, then he has done us this great evil: but if not, then we shall know that it is not his hand that struck us: it was by chance that it happened to us.10 And the men did so; and took two milk cows, and tied them to the cart, and shut up their calves at home:11 And they laid the ark of the LORD upon the cart, and the box with the mice of gold and the images of their tumors.12 And the cows took the straight way to the road to Bethshemesh, and went along the highway, lowing as they went, and turned not aside to the right hand or to the left; and the lords of the Philistines went after them unto the border of Bethshemesh.13 And they of Bethshemesh were reaping their wheat harvest in the valley: and they lifted up their eyes, and saw the ark, and rejoiced to see it.14 And the cart came into the field of Joshua, a Bethshemite, and stood there, where there was a great stone: and they split the wood of the cart, and offered the cows a burnt offering unto the LORD.15 And the Levites took down the ark of the LORD, and the box that was with it, in which the jewels of gold were, and put them on the great stone: and the men of Bethshemesh offered burnt offerings and sacrificed sacrifices the same day unto the LORD.16 And when the five lords of the Philistines had seen it, they returned to Ekron the same day.17 And these are the golden tumors which the Philistines returned for a trespass offering unto the LORD; for Ashdod one, for Gaza one, for Askelon one, for Gath one, for Ekron one;18 And the golden mice, according to the number of all the cities of the Philistines belonging to the five lords, both of fortified cities, and of country villages, even unto the great stone of Abel, on which they set down the ark of the LORD: which stone remains unto this day in the field of Joshua, the Bethshemite.19 And he struck the men of Bethshemesh, because they had looked into the ark of the LORD, even he struck of the people fifty thousand and threescore and ten men: and the people lamented, because the LORD had struck many of the people with a great slaughter.20 And the men of Bethshemesh said, Who is able to stand before this holy LORD God? and to whom shall it go up from us?21 And they sent messengers to the inhabitants of Kiriathjearim, saying, The Philistines have brought again the ark of the LORD; come down, and bring it up to you.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-