Publicidade

1 Samuel 16

1 At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Hanggang kailan pananangisan mo si Saul yamang aking itinakuwil siya na maging hari sa Israel? Punuin mo ng langis ang iyong sungay, at ikaw ay yumaon, susuguin kita kay Isai na Bethlehemita: sapagka't ako'y naglaan sa kaniyang mga anak ng isang hari. 2 At sinabi ni Samuel, Paanong ako'y paroroon? Kung mabalitaan ni Saul, ay kaniyang papatayin ako. At sinabi ng Panginoon, Magdala ka ng isang dumalagang baka, at iyong sabihin, Ako'y naparito upang maghain sa Panginoon. 3 At tawagin mo si Isai sa paghahain at aking ituturo sa iyo kung ano ang iyong gagawin; at iyong papahiran sa akin yaong sa iyo'y aking sabihin. 4 At ginawa ni Samuel ang sinalita ng Panginoon at naparoon sa Bethlehem. At ang mga matanda sa bayan ay naparoon upang salubungin siya na nagsisipanginig, at nagsabi, Naparirito ka bang may kapayapaan? 5 At kaniyang sinabi, May kapayapaan: ako'y naparito upang maghain sa Panginoon: magpakabanal kayo at sumama kayo sa akin sa paghahain. At pinapagbanal niya si Isai at ang kaniyang mga anak, at tinawag niya sila sa paghahain. 6 At nangyari, nang sila'y dumating na siya'y tumingin kay Eliab, at nagsabi, Tunay na ang pinahiran ng Panginoon ay nasa harap niya. 7 Nguni't sinabi ng Panginoon kay Samuel, Huwag mong tingnan ang kaniyang mukha, o ang taas ng kaniyang kataasan; sapagka't aking itinakuwil siya: sapagka't hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao: sapagka't ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni't ang Panginoon ay tumitingin sa puso. 8 Nang magkagayo'y tinawag ni Isai si Abinadab, at pinaraan niya sa harap ni Samuel. At kaniyang sinabi, Kahit ito man, ay hindi pinili ng Panginoon. 9 Nang magkagayo'y pinaraan ni Isai si Samma. At kaniyang sinabi, Kahit ito man, ay hindi pinili ng Panginoon. 10 At pinaraan ni Isai ang pito sa kaniyang mga anak sa harap ni Samuel. At sinabi ni Samuel kay Isai, Hindi pinili ng Panginoon ang mga ito. 11 At sinabi ni Samuel kay Isai, Narito ba ang iyong lahat na anak? At kaniyang sinabi, Natitira pa ang bunso, at, narito, siya'y nag-aalaga sa mga tupa. At sinabi ni Samuel kay Isai, Ipasundo mo siya; sapagka't hindi tayo uupo hanggang sa siya'y dumating dito. 12 At siya'y nagsugo, at sinundo siya roon. Siya nga'y may mapulang pisngi, may magandang bikas, at mabuting anyo. At sinabi ng Panginoon, Tumindig ka: pahiran mo siya ng langis, sapagka't ito nga. 13 Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sungay ng langis, at pinahiran siya sa gitna ng kaniyang mga kapatid: at ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang suma kay David mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin. Gayon bumangon si Samuel at napasa Rama. 14 Ang Espiritu nga ng Panginoon ay humiwalay kay Saul, at isang masamang espiritu na mula sa Panginoon ay bumagabag sa kaniya. 15 At sinabi ng mga bataan ni Saul sa kaniya, Narito ngayon, isang masamang espiritu na mula sa Dios ay bumabagabag sa iyo. 16 Iutos ngayon ng aming panginoon sa iyong mga bataan na nasa harap mo na humanap ng isang lalake na bihasang manunugtog ng alpa; at mangyayari, pagka ang masamang espiritu na mula sa Dios ay nasa iyo na siya'y tutugtog ng kaniyang kamay at ikaw ay bubuti. 17 At sinabi ni Saul sa kaniyang mga bataan, Ipaghanda ninyo ako ngayon ng isang lalake na makatutugtog na mabuti, at dalhin ninyo sa akin siya. 18 Nang magkagayo'y sumagot ang isa sa mga bataan, at nagsabi, Narito, aking nakita ang isang anak ni Isai na Bethlehemita, na bihasa sa panunugtog, at makapangyarihang lalake na may tapang, at lalaking mangdidigma, at matalino sa pananalita, at makisig na lalake, at ang Panginoon ay sumasa kaniya. 19 Kaya't nagsugo si Saul ng mga sugo kay Isai, at sinabi, Suguin mo sa akin si David na iyong anak, na nasa kawan ng mga tupa. 20 At kumuha si Isai ng isang asno na may pasang tinapay, at isang balat ng alak, at isang anak ng kambing, at ipinadala kay Saul sa pamamagitan ni David na kaniyang anak. 21 At dumating si David kay Saul at tumayo sa harap niya: at minahal niya siyang mainam; at siya'y naging tagadala ng sandata niya. 22 At nagpasabi si Saul kay Isai, Isinasamo ko sa iyo na bayaang tumayo si David sa harapan ko, sapagka't siya'y nakasumpong ng biyaya sa aking paningin. 23 At nangyari, pagka ang masamang espiritu na mula sa Dios ay sumasa kay Saul, ay kinukuha ni David ang alpa, at tinutugtog ng kaniyang kamay: gayon nagiginhawahan si Saul, at bumubuti, at ang masamang espiritu ay nahihiwalay sa kaniya.

1 And the LORD said unto Samuel, How long will you mourn for Saul, seeing I have rejected him from reigning over Israel? fill your horn with oil, and go, I will send you to Jesse the Bethlehemite: for I have provided me a king among his sons.2 And Samuel said, How can I go? if Saul hears it, he will kill me. And the LORD said, Take a heifer with you, and say, I am come to sacrifice to the LORD.3 And call Jesse to the sacrifice, and I will show you what you shall do: and you shall anoint unto me him whom I name unto you.4 And Samuel did that which the LORD spoke, and came to Bethlehem. And the elders of the town trembled at his coming, and said, Come you peaceably?5 And he said, Peaceably: I am come to sacrifice unto the LORD: sanctify yourselves, and come with me to the sacrifice. And he sanctified Jesse and his sons, and called them to the sacrifice.6 And it came to pass, when they were come, that he looked on Eliab, and said, Surely the LORD’S anointed is before him.7 But the LORD said unto Samuel, Look not on his countenance, or on the height of his stature; because I have refused him: for the LORD sees not as man sees; for man looks on the outward appearance, but the LORD looks on the heart.8 Then Jesse called Abinadab, and made him pass before Samuel. And he said, Neither has the LORD chosen this one.9 Then Jesse made Shammah to pass by. And he said, Neither has the LORD chosen this one.10 Again, Jesse made seven of his sons to pass before Samuel. And Samuel said unto Jesse, The LORD has not chosen these.11 And Samuel said unto Jesse, Are here all your children? And he said, There remains yet the youngest, and, behold, he keeps the sheep. And Samuel said unto Jesse, Send and bring him: for we will not sit down till he comes here.12 And he sent, and brought him in. Now he was ruddy, and of a beautiful countenance, and handsome. And the LORD said, Arise, anoint him: for this is he.13 Then Samuel took the horn of oil, and anointed him in the midst of his brethren: and the spirit of the LORD came upon David from that day forward. So Samuel rose up, and went to Ramah.14 But the spirit of the LORD departed from Saul, and an evil spirit from the LORD troubled him.15 And Saul’s servants said unto him, Behold now, an evil spirit from God troubles you.16 Let our lord now command your servants, which are before you, to seek out a man, who is a skillful player on a harp: and it shall come to pass, when the evil spirit from God is upon you, that he shall play with his hand, and you shall be well.17 And Saul said unto his servants, Provide me now a man that can play well, and bring him to me.18 Then answered one of the servants, and said, Behold, I have seen a son of Jesse the Bethlehemite, that is skillful in playing, and a mighty valiant man, and a man of war, and prudent in matters, and a handsome person, and the LORD is with him.19 Therefore Saul sent messengers unto Jesse, and said, Send me David your son, who is with the sheep.20 And Jesse took a donkey laden with bread, and a skin of wine, and a kid, and sent them by David his son unto Saul.21 And David came to Saul, and stood before him: and he loved him greatly; and he became his armorbearer.22 And Saul sent to Jesse, saying, Let David, I pray you, stand before me; for he has found favor in my sight.23 And it came to pass, when the evil spirit from God was upon Saul, that David took a harp, and played with his hand: so Saul was refreshed, and was well, and the evil spirit departed from him.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-