Publicidade

Salmos 145

1 Ibubunyi kita, Dios ko, Oh Hari; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man. 2 Araw-araw ay pupurihin kita; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man. 3 Dakila ang Panginoon, at marapat na purihin; at ang kaniyang kadakilaan ay hindi masayod. 4 Ang isang lahi ay pupuri ng iyong mga gawa sa isa. At ipahahayag ang iyong mga makapangyarihang gawa. 5 Sa maluwalhating kamahalan ng iyong karangalan, at sa iyong mga kagilagilalas na mga gawa, magbubulay ako. 6 At ang mga tao ay mangagsasalita ng kapangyarihan ng iyong kakilakilabot na mga gawa; at aking ipahahayag ang iyong kadakilaan. 7 Kanilang sasambitin ang alaala sa iyong dakilang kabutihan, at aawitin nila ang iyong katuwiran. 8 Ang Panginoon ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan; banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob. 9 Ang Panginoon ay mabuti sa lahat; at ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa. 10 Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon; at pupurihin ka ng iyong mga banal. 11 Sila'y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian, at mangungusap ng iyong kapangyarihan; 12 Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa, at ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian. 13 Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian, at ang kapangyarihan mo'y sa lahat ng sali't saling lahi. 14 Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal, at itinatayo yaong nangasusubasob. 15 Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo; at iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon. 16 Iyong binubuksan ang iyong kamay, at sinasapatan mo ang nasa ng bawa't bagay na may buhay. 17 Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan, at mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa. 18 Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya, sa lahat na nagsisitawag sa kaniya sa katotohanan. 19 Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya; kaniya ring didinggin ang kanilang daing, at ililigtas sila. 20 Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya; nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya. 21 Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon; at purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man.

1 A Psalm of praise of David. I will extol you, my God, O king; and I will bless your name forever and ever.2 Every day will I bless you; and I will praise your name forever and ever.3 Great is the LORD, and greatly to be praised; and his greatness is unsearchable.4 One generation shall praise your works to another, and shall declare your mighty acts.5 I will speak of the glorious honor of your majesty, and of your wondrous works.6 And men shall speak of the might of your wondrous acts: and I will declare your greatness.7 They shall abundantly utter the memory of your great goodness, and shall sing of your righteousness.8 The LORD is gracious, and full of compassion; slow to anger, and of great mercy.9 The LORD is good to all: and his tender mercies are over all his works.10 All your works shall praise you, O LORD; and your saints shall bless you.11 They shall speak of the glory of your kingdom, and talk of your power;12 To make known to the sons of men his mighty acts, and the glorious majesty of his kingdom.13 Your kingdom is an everlasting kingdom, and your dominion endures throughout all generations.14 The LORD upholds all that fall, and raises up all those that are bowed down.15 The eyes of all wait upon you; and you give them their food in due season.16 You open your hand, and satisfy the desire of every living thing.17 The LORD is righteous in all his ways, and holy in all his works.18 The LORD is near unto all them that call upon him, to all that call upon him in truth.19 He will fulfill the desire of them that fear him: he also will hear their cry, and will save them.20 The LORD preserves all them that love him: but all the wicked will he destroy.21 My mouth shall speak the praise of the LORD: and let all flesh bless his holy name forever and ever.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-