1 Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit. 2 Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, dahil sa iyong mga kaaway, upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti. 3 Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos; 4 Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya? 5 Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. 6 Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa: 7 Lahat na tupa at baka, Oo, at ang mga hayop sa parang; 8 Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat. 9 Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
1 To the Chief Musician upon gittith. A Psalm of David. O LORD our Lord, how excellent is your name in all the earth! who have set your glory above the heavens.2 Out of the mouth of babes and infants have you ordained strength because of your enemies, that you might still the enemy and the avenger.3 When I consider your heavens, the work of your fingers, the moon and the stars, which you have ordained;4 What is man, that you are mindful of him? and the son of man, that you visit him?5 For you have made him a little lower than the angels, and have crowned him with glory and honor.6 You made him to have dominion over the works of your hands; you have put all things under his feet:7 All sheep and oxen, yea, and the beasts of the field;8 The fowl of the air, and the fish of the sea, and whatsoever passes through the paths of the seas.9 O LORD our Lord, how excellent is your name in all the earth!