1 Ang aking puso'y matatag, Oh Dios; ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri, ng aking kaluwalhatian. 2 Kayo'y gumising, salterio at alpa: ako ma'y gigising na maaga. 3 Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan: at ako'y aawit ng mga pagpuri sa iyo sa gitna ng mga bansa. 4 Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila sa itaas sa mga langit, at ang iyong katotohanan ay umaabot sa mga alapaap. 5 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas sa mga langit: at ang iyong kaluwalhatian sa ibabaw ng buong lupa. 6 Upang ang iyong minamahal ay maligtas, magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami. 7 Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya: aking hahatiin ang Sichem, at susukatin ko ang libis ng Sucoth. 8 Galaad ay akin; Manases ay akin; ang Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo: Juda'y aking cetro. 9 Moab ay aking hugasan; sa Edom ay ihahagis ko ang aking panyapak: sa Filistia ay hihiyaw ako. 10 Sinong magpapasok sa akin sa bayang nakukutaan? Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom? 11 Hindi ba ikaw Oh Dios na nagtakuwil sa amin, at hindi lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo? 12 Gawaran mo kami ng tulong laban sa kaaway; sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao. 13 Sa tulong ng Dios ay gagawa kaming may katapangan: sapagka't siya ang yayapak sa aming mga kaaway.
1 A song. A Psalm of David. O God, my heart is fixed; I will sing and give praise, even with my glory.2 Awake, harp and lyre: I myself will awake early.3 I will praise you, O LORD, among the people: and I will sing praises unto you among the nations.4 For your mercy is great above the heavens: and your truth reaches unto the clouds.5 Be you exalted, O God, above the heavens: and your glory above all the earth;6 That your beloved may be delivered: save with your right hand, and answer me.7 God has spoken in his holiness; I will rejoice, I will divide up Shechem, and portion out the valley of Succoth.8 Gilead is mine; Manasseh is mine; Ephraim also is the helmet of my head; Judah is my lawgiver;9 Moab is my washpot; over Edom will I cast out my shoe; over Philistia will I triumph.10 Who will bring me into the strong city? who will lead me into Edom?11 Will not you, O God, who has cast us off? and will not you, O God, go forth with our armies?12 Give us help from trouble: for vain is the help of man.13 Through God we shall do valiantly: for he it is that shall tread down our enemies.