Publicidade

Salmos 84

1 Kay iinam ng iyong mga tabernakulo, Oh Panginoon ng mga hukbo! 2 Ang kaluluwa ko'y aasamasam, oo, nanglulupaypay sa mga looban ng Panginoon; ang puso ko't laman ay dumadaing sa buhay na Dios. 3 Oo, ang maya ay nakasumpong ng bahay, at ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya, na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay, sa makatuwid baga'y iyong mga dambana, Oh Panginoon ng mga hukbo, Hari ko, at Dios ko. 4 Mapalad silang nagsisitahan sa iyong bahay: kanilang pupurihin kang palagi. (Selah) 5 Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo; na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion. 6 Na nagdaraan sa libis ng iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal; Oo, tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan. 7 Sila'y nagsisiyaon sa kalakasa't kalakasan, bawa't isa sa kanila ay napakikita sa harap ng Dios sa Sion. 8 Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, dinggin mo ang aking dalangin: pakinggan mo, Oh Dios ni Jacob. (Selah) 9 Masdan mo, Oh Dios na aming kalasag, at tingnan mo ang mukha ng iyong pinahiran ng langis. 10 Sapagka't isang araw sa iyong mga looban ay mabuti kay sa isang libo. Aking minagaling na maging tagatanod-pinto sa bahay ng aking Dios, kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan. 11 Sapagka't ang Panginoong Dios ay araw at kalasag: ang Panginoo'y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian: hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid. 12 Oh Panginoon ng mga hukbo, mapalad ang tao na tumitiwala sa iyo.

1 To the Chief Musician upon gittith. A Psalm for the Sons of Korah. How lovely are your tabernacles, O LORD of hosts!2 My soul longs, yea, even faints for the courts of the LORD: my heart and my flesh cry out for the living God.3 Yea, the sparrow has found a house, and the swallow a nest for herself, where she may lay her young, even your altars, O LORD of hosts, my King, and my God.4 Blessed are they that dwell in your house: they will be still praising you. Selah.5 Blessed is the man whose strength is in you; in whose heart are the ways to them.6 Who passing through the valley of Baca makes it a well; the rain also fills the pools.7 They go from strength to strength, every one of them in Zion appears before God.8 O LORD God of hosts, hear my prayer: give ear, O God of Jacob. Selah.9 Behold, O God our shield, and look upon the face of your anointed.10 For a day in your courts is better than a thousand. I had rather be a doorkeeper in the house of my God, than to dwell in the tents of wickedness.11 For the LORD God is a sun and shield: the LORD will give grace and glory: no good thing will he withhold from them that walk uprightly.12 O LORD of hosts, blessed is the man that trusts in you.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-