Publicidade

Salmos 5

1 Pakinggan mo ang aking mga salita, Oh Panginoon, pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay. 2 Dinggin mo ang tinig ng aking daing, Hari ko, at Dios ko; sapagka't sa iyo'y dumadalangin ako. 3 Oh Panginoon, sa kinaumagaha'y didinggin mo ang aking tinig; sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako. 4 Sapagka't ikaw ay di isang Dios na may kaluguran sa kasamaan: ang masama ay hindi tatahang kasama mo. 5 Ang hambog ay hindi tatayo sa iyong paningin: iyong kinapopootan ang lahat na mga manggagawa ng kalikuan. 6 Iyong lilipulin sila na nangagsasalita ng mga kabulaanan: kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya, 7 Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay; sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo. 8 Patnubayan mo ako, Oh Panginoon, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway; patagin mo ang iyong daan sa harapan ko. 9 Sapagka't walang pagtatapat sa kanilang bibig; ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan; ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan; sila'y nanganunuya ng kanilang dila. 10 Bigyan mong sala sila, Oh Dios; ibuwal mo sila sa kanilang sariling mga payo: palayasin mo sila sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang; Sapagka't sila'y nanganghimagsik laban sa iyo, 11 Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo, pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang sila: mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan. 12 Sapagka't iyong pagpapalain ang matuwid; Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap na gaya ng isang kalasag.

1 To the Chief Musician. With flutes. A Psalm of David. Give ear to my words, O LORD, consider my meditation.2 Hearken unto the voice of my cry, my King, and my God: for unto you will I pray.3 My voice shall you hear in the morning, O LORD; in the morning will I direct my prayer unto you, and will look up.4 For you are not a God that has pleasure in wickedness: neither shall evil dwell with you.5 The foolish shall not stand in your sight: you hate all workers of iniquity.6 You shall destroy them that speak falsehood: the LORD will abhor the bloody and deceitful man.7 But as for me, I will come into your house in the multitude of your mercy: and in your fear will I worship toward your holy temple.8 Lead me, O LORD, in your righteousness because of my enemies; make your way straight before my face.9 For there is no faithfulness in their mouth; their inward part is pure wickedness; their throat is an open sepulcher; they flatter with their tongue.10 Destroy them, O God; let them fall by their own counsels; cast them out in the multitude of their transgressions; for they have rebelled against you.11 But let all those that put their trust in you rejoice: let them ever shout for joy, because you defend them: let them also that love your name be joyful in you.12 For you, LORD, will bless the righteous; with favor will you surround him with a shield.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-