1 At ito ang mga mana na sinakop ng mga anak ni Israel sa lupain ng Canaan, na binahagi sa kanila ni Eleazar na saserdote, at ni Josue na anak ni Nun, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel, 2 Sa pamamagitan ng sapalaran ng kanilang mana, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises, sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi. 3 Sapagka't nabigyan na ni Moises ng mana ang dalawang lipi at ang kalahating lipi sa dako roon ng Jordan: nguni't sa mga Levita ay wala siyang ibinigay na mana sa kanila. 4 Sapagka't ang mga anak ni Jose ay naging dalawang lipi ang Manases at ang Ephraim: at hindi sila nagbigay ng bahagi sa mga Levita sa lupain, liban ang mga bayan na matahanan, pati ng mga nayon niyaon sa kanilang hayop at sa kanilang pag-aari. 5 Kung paano iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon ang ginawa ng mga anak ni Israel, at kanilang binahagi ang lupain. 6 Nang magkagayo'y lumapit ang mga anak ni Juda kay Josue sa Gilgal: at sinabi sa kaniya ni Caleb na anak ni Jephone na Cenezeo, Iyong talastas ang bagay na sinalita ng Panginoon kay Moises na lalake ng Dios, tungkol sa akin at tungkol sa iyo sa Cades-barnea. 7 Ako'y may apat na pung taon nang ako'y suguin ni Moises na lingkod ng Panginoon mula sa Cades-barnea upang tiktikan ang lupain; at aking dinalhan ng sagot siya ng gaya ng nasa aking puso. 8 Gayon ma'y pinapanglumo ng mga kapatid na kasama ko ang puso ng bayan: nguni't ako'y lubos na sumunod sa Panginoon kong Dios. 9 At si Moises ay sumumpa nang araw na yaon, na nagsasabi, Tunay na ang lupain na tinuntungan ng iyong paa ay magiging isang mana sa iyo at sa iyong mga anak magpakailan man, sapagka't sumunod kang lubos sa Panginoon kong Dios. 10 At ngayon, narito, iningatan akong buhay ng Panginoon, gaya ng kaniyang sinalita, nitong apat na pu't limang taon, mula nang panahon na salitain ng Panginoon ang salitang ito kay Moises, samantalang lumalakad ang Israel sa ilang; at ngayon, narito, sa araw na ito ako'y may walong pu't limang taon na. 11 Gayon ma'y malakas pa ako sa araw na ito na gaya nang araw na suguin ako ni Moises: kung paano nga ang lakas ko noon, ay gayon ang lakas ko ngayon, sa pakikidigma, at gayon din sa paglalabas pumasok. 12 Ngayon nga'y ibigay mo sa akin ang lupaing maburol na ito na sinalita ng Panginoon nang araw na yaon: sapagka't iyong nabalitaan nang araw na yaon kung paanong nariyan ang mga Anaceo, at mga bayang malalaki at nakukutaan: marahil ay sasa akin ang Panginoon, at akin silang maitataboy na gaya ng sinalita ng Panginoon. 13 At binasbasan siya ni Josue at kaniyang ibinigay ang Hebron kay Caleb na Anak ni Jephone, na pinakaari niya. 14 Kaya't ang Hebron ay naging mana ni Caleb na anak ni Jephone na Cenezeo hanggang sa araw na ito; sapagka't kaniyang lubos na sinunod ang Panginoon, ang Dios ng Israel. 15 Ang pangalan nga ng Hebron nang una ay Chiriath-arba; na siyang Arba na pinaka malaking lalake sa mga Anaceo. At ang lupain ay nagpahinga sa pakikidigma.
1 And these are the areas which the children of Israel inherited in the land of Canaan, which Eleazar the priest, and Joshua the son of Nun, and the heads of the fathers of the tribes of the children of Israel, distributed for inheritance to them.2 By lot was their inheritance, as the LORD commanded by the hand of Moses, for the nine tribes, and for the half tribe.3 For Moses had given the inheritance of two tribes and a half tribe on the other side of Jordan: but unto the Levites he gave no inheritance among them.4 For the children of Joseph were two tribes, Manasseh and Ephraim: therefore they gave no portion unto the Levites in the land, except cities to dwell in, with their pasture lands for their cattle and for their possessions.5 As the LORD commanded Moses, so the children of Israel did, and they divided the land.6 Then the children of Judah came unto Joshua in Gilgal: and Caleb the son of Jephunneh the Kenizzite said unto him, You know the thing that the LORD said unto Moses the man of God concerning me and you in Kadeshbarnea.7 Forty years old was I when Moses the servant of the LORD sent me from Kadeshbarnea to spy out the land; and I brought him word again as it was in my heart.8 Nevertheless my brethren that went up with me made the heart of the people melt: but I wholly followed the LORD my God.9 And Moses swore on that day, saying, Surely the land on which your feet have trodden shall be your inheritance, and your children's forever, because you have wholly followed the LORD my God.10 And now, behold, the LORD has kept me alive, as he said, these forty and five years, even since the LORD spoke this word unto Moses, while the children of Israel wandered in the wilderness: and now, lo, I am this day fourscore and five years old.11 Even yet I am as strong this day as I was in the day that Moses sent me: as my strength was then, even so is my strength now, for war, both to go out, and to come in.12 Now therefore give me this mountain, of which the LORD spoke in that day; for you heard in that day how the Anakim were there, and that the cities were great and fortified: if so be the LORD will be with me, then I shall be able to drive them out, as the LORD said.13 And Joshua blessed him, and gave unto Caleb the son of Jephunneh Hebron for an inheritance.14 Hebron therefore became the inheritance of Caleb the son of Jephunneh the Kenizzite unto this day, because he wholly followed the LORD God of Israel.15 And the name of Hebron before was Kiriatharba; this Arba was a great man among the Anakim. And the land had rest from war.