Publicidade

Provérbios 12

1 Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman: nguni't siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal. 2 Ang mabuting tao ay magtatamo ng lingap ng Panginoon: nguni't kaniyang parurusahan ang taong may masasamang katha. 3 Ang tao ay hindi matatag sa pamamagitan ng kasamaan: nguni't ang ugat ng matuwid ay hindi makikilos. 4 Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa: nguni't siyang nakahihiya ay parang kabulukan sa kaniyang mga buto. 5 Ang mga pagiisip ng matuwid ay ganap: nguni't ang mga payo ng masama ay magdaraya. 6 Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo: nguni't ililigtas sila ng bibig ng matuwid. 7 Ang masama ay inilulugmok at nawawala: nguni't ang sangbahayan ng matuwid ay tatayo. 8 Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan: nguni't ang masama sa puso ay hahamakin. 9 Maigi siyang pinahahalagahan ng kaunti, at may alipin, kay sa nagmamapuri, at kinukulang ng tinapay. 10 Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop: nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik. 11 Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay: nguni't siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa. 12 Ninanasa ng masama ang lambat ng mga masamang tao: nguni't ang ugat ng matuwid ay nagbubunga. 13 Nasa pagsalangsang ng mga labi ang silo sa mga masamang tao: nguni't ang matuwid ay lalabas sa kabagabagan. 14 Ang tao ay masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig; at ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya. 15 Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo. 16 Ang yamot ng mangmang ay agad nakikilala: nguni't ang mabait na tao ay nagtatakip ng kahihiyan. 17 Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng katuwiran, nguni't ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya. 18 May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak: nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan. 19 Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man. Nguni't ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang. 20 Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan: nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan. 21 Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid: nguni't ang masama ay mapupuno ng kasamaan. 22 Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran. 23 Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman: nguni't ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan. 24 Ang kamay ng masipag ay magpupuno: nguni't ang tamad ay malalagay sa pagatag. 25 Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot; nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya. 26 Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa: nguni't ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw. 27 Ang tamad ay hindi nagiihaw ng kahit kaniyang napapangasuhan; nguni't ang mahalagang pag-aari ng tao ay sa mga masisipag. 28 Nasa daan ng katuwiran ang buhay; at sa kaniyang landas ay walang kamatayan.

1 Whosoever loves instruction loves knowledge: but he that hates reproof is senseless.2 A good man obtains favor of the LORD: but a man of wicked intentions will he condemn.3 A man shall not be established by wickedness: but the root of the righteous shall not be moved.4 A virtuous woman is a crown to her husband: but she that makes ashamed is like rottenness in his bones.5 The thoughts of the righteous are right: but the counsels of the wicked are deceitful.6 The words of the wicked are to lie in wait for blood: but the mouth of the upright shall deliver them.7 The wicked are overthrown, and are not: but the house of the righteous shall stand.8 A man shall be commended according to his wisdom: but he that is of a perverse heart shall be despised.9 He that is despised, and has a servant, is better than he that honors himself, and lacks bread.10 A righteous man regards the life of his animal: but the tender mercies of the wicked are cruel.11 He that tills his land shall be satisfied with bread: but he that follows vain persons is void of understanding.12 The wicked desires the net of evil men: but the root of the righteous yields fruit.13 The wicked is snared by the transgression of his lips: but the just shall escape from trouble.14 A man shall be satisfied with good by the fruit of his mouth: and the recompense of a man's hands shall be rendered unto him.15 The way of a fool is right in his own eyes: but he that hearkens unto counsel is wise.16 A fool's wrath is at once known: but a prudent man covers shame.17 He that speaks truth shows forth righteousness: but a false witness, deceit.18 There is one that speaks like the piercings of a sword: but the tongue of the wise brings health.19 The lip of truth shall be established forever: but a lying tongue is but for a moment.20 Deceit is in the heart of them that imagine evil: but to the counselors of peace there is joy.21 There shall no evil happen to the just: but the wicked shall be filled with trouble.22 Lying lips are abomination to the LORD: but they that deal truly are his delight.23 A prudent man conceals knowledge: but the heart of fools proclaims foolishness.24 The hand of the diligent shall bear rule: but the slothful shall be put to forced labor.25 Heaviness in the heart of man makes him stoop: but a good word makes him glad.26 The righteous chooses his friends carefully: but the way of the wicked leads them astray.27 The slothful man roasts not that which he took in hunting: but the possessions of a diligent man are precious.28 In the way of righteousness is life; and in the pathway thereof there is no death.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-