Publicidade

Provérbios 3

1 Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan; kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos: 2 Sapagka't karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay, at kapayapaan, ay madadagdag sa iyo. 3 Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: itali mo sa palibot ng iyong leeg; ikintal mo sa iyong puso: 4 Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, sa paningin ng Dios at ng tao. 5 Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: 6 Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas. 7 Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan: 8 Magiging kagalingan sa iyong pusod, at utak sa iyong mga buto. 9 Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik, at ng mga unang bunga ng lahat mong ani: 10 Sa gayo'y mapupuno ang iyong mga kamalig ng sagana, at ang iyong mga alilisan ay aapawan ng bagong alak. 11 Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; ni mayamot man sa kaniyang saway: 12 Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran. 13 Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan. 14 Sapagka't ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak, at ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto. 15 Mahalaga nga kay sa mga rubi; at wala sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya, 16 Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya, sa kaniyang kaliwang kamay ay mga kayamanan at karangalan. 17 Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan, at lahat niyang mga landas ay kapayapaan. 18 Siya ay punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya: at mapalad ang bawa't isa na nangamamalagi sa kaniya. 19 Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan. 20 Sa kaniyang kaalaman ay nabahagi ang mga kalaliman, at ang mga alapaap ay nagsipatak ng hamog. 21 Anak ko, huwag silang mangahiwalay sa iyong mga mata; ingatan mo ang magaling na karunungan at ang kabaitan; 22 Sa gayo'y magiging buhay sila sa iyong kaluluwa, at biyaya sa iyong leeg. 23 Kung magkagayo'y lalakad ka ng iyong lakad na tiwasay, at ang iyong paa ay hindi matitisod. 24 Pagka ikaw ay nahihiga, hindi ka matatakot: Oo, ikaw ay mahihiga at ang iyong tulog ay magiging mahimbing. 25 Huwag kang matakot ng biglang pagkatakot, ni sa pagkabuwal man ng masama, pagka dumarating: 26 Sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong pagtitiwala, at iingatan ang iyong paa sa pagkahuli. 27 Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan, pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito'y gawin. 28 Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa, Yumaon ka, at bumalik uli, at bukas ay magbibigay ako; pagka ikaw ay mayroon. 29 Huwag kang kumatha ng kasamaan laban sa iyong kapuwa, na palibhasa't tumatahang tiwasay sa siping mo. 30 Huwag kang makipagusapin sa kanino man ng walang kadahilanan, kung hindi siya gumawa ng kasamaan sa iyo. 31 Huwag kang managhili sa taong marahas, at huwag kang pumili ng anoman sa kaniyang mga lakad. 32 Sapagka't ang suwail ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang kaniyang payo ay kasama ng matuwid. 33 Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama; nguni't pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid. 34 Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi, nguni't binibigyan niya ng biyaya ang mababa. 35 Ang pantas ay magmamana ng kaluwalhatian; nguni't kahihiyan ay magiging ganti sa mga mangmang.

1 My son, forget not my law; but let your heart keep my commandments:2 For length of days, and long life, and peace, shall they add to you.3 Let not mercy and truth forsake you: bind them about your neck; write them upon the table of your heart:4 So shall you find favor and good understanding in the sight of God and man.5 Trust in the LORD with all your heart; and lean not unto your own understanding.6 In all your ways acknowledge him, and he shall direct your paths.7 Be not wise in your own eyes: fear the LORD, and depart from evil.8 It shall be health to your body, and strength to your bones.9 Honor the LORD with your substance, and with the firstfruits of all your increase:10 So shall your barns be filled with plenty, and your presses shall burst out with new wine.11 My son, despise not the chastening of the LORD; neither be weary of his correction:12 For whom the LORD loves he corrects; even as a father the son in whom he delights.13 Happy is the man that finds wisdom, and the man that gets understanding.14 For the gain from it is better than the gain from silver, and the profit thereof than fine gold.15 She is more precious than rubies: and all the things you can desire are not to be compared unto her.16 Length of days is in her right hand; and in her left hand riches and honor.17 Her ways are ways of pleasantness, and all her paths are peace.18 She is a tree of life to them that lay hold upon her: and happy is everyone that retains her.19 The LORD by wisdom has founded the earth; by understanding has he established the heavens.20 By his knowledge the depths are broken up, and the clouds drop down the dew.21 My son, let not them depart from your eyes: keep sound wisdom and discretion:22 So shall they be life unto your soul, and grace to your neck.23 Then shall you walk in your way safely, and your foot shall not stumble.24 When you lie down, you shall not be afraid: yea, you shall lie down, and your sleep shall be sweet.25 Be not afraid of sudden fear, neither of the ruin from the wicked, when it comes.26 For the LORD shall be your confidence, and shall keep your foot from being snared.27 Withhold not good from them to whom it is due, when it is in the power of your hand to do it.28 Say not unto your neighbor, Go, and come again, and tomorrow I will give; when you have it with you.29 Devise not evil against your neighbor, seeing he dwells securely by you.30 Strive not with a man without cause, if he has done you no harm.31 Envy you not the oppressor, and choose none of his ways.32 For the perverse is abomination to the LORD: but his secret is with the righteous.33 The curse of the LORD is in the house of the wicked: but he blesses the habitation of the just.34 Surely he scorns the scornful: but he gives grace unto the lowly.35 The wise shall inherit glory: but shame shall be the recompense of fools.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-